I just want to try this whole blogging thing.
People have been talking about this for the longest time. Some even earn from this hobby.
Since mahilig naman ako magsususulat ng kung anu-ano na nasa laman ng utak ko - Why not di ba?!
Hindi ko naman intention na makilala dito - or moreso - kumita sa pagsusulat, pero kung mangyayari - why not talaga.
Ang mahalaga - try try lang, sulat sulat kung ano ang lumalabas sa ulo. Siguro nga ito ang pinakaligtas na paraan ng pagddiary o pagjjournal ngayon - ang buo madlang people ang makakabasa...
Unang pagsusulat ko to, at nandito ako sa isang internet shop habang inaantay si Partner. Lagi naman kasi ganito ang set up eh - bawal kasi tumambay sa bahay nila. Isang piping saksi ang internet shop na ito sa pagsusulat na ito. Ang mga katabi ko namang mga customers at mga staff na nakatayo, ang mga chismoso at chismosang saksi na nakikibasa sa mga text.
Wala naman talagang special na subject ang pumapasok sa isip ko ngayon. Basta na lang inutulak ng aking isip ang aking mga daliri na mag-type. Ang utak ko, kahit malapit na mag sign-off, kahit paano may nailalabas pang words para isulat. Ang mga kamay ko active na active pa rin. The body is willing but the mind is not.