Thursday, April 11, 2019

Things to Love in Beijing

On June 14, 2018 i wrote about my next destination after travelling to Japan in November 2017.  Finally I was able to go to that destination last February 2019, after 8 or 9 months of saving for it.  And - nakakatuwa lang, and di ko talaga inexpect na - I like Beijing.
I like Beijing because...

Mga formation ng yelo.  Winter pa nga kasi pag
February.  Masarap din ang -1 degrees na temp
para sa ating sanay sa mainit!
1. ... Winter pa nung pumunta kami so malamig ang panahon at may mga snow snow kang makikita sa paligid. Syempre walang snow sa Pilipinas, at sobrang init pa ng panahon - so kakaibang experience din ang -1 degrees na temperature.  Nakakatuwa lang na di ka makakalabas ng hotel na naka shorts or sando dahil magyeyelo ang mga dugo mo.  Kakaibang experience para sa taga tropical country.

Sidewalk po yan, Maluwag.
Makikita nyo rin sa
bandang left ng picture
ang maliit na kalsadana
service road
na tinutukoy ko.  
2.  ... Malinis ang lugar.  Actually di ko inakala na malinis ang Beijing dahil - wag na magpakaplastic - ang dumi ng Binondo.  Sa Beijing, madaming basurahan, lalo na sa Wangfujing Street - ang parang shopping district nila.  Halos every after poste ng ilaw yata may basurahan.  Unlike dito sa atin na pahirapan maghanap ng basurahan kaya chances are, itatapon na lang kung saan-saan, or, may basurahan nga, overflowing naman sa basura kaya madumi tingnan.  Napahanga ako sa linis ng Beijing.

3.  ... Maganda ang subway system.  Maganda in a way na efficient sya, malinis din.  Siguro swerte lang din kami at hindi puno yung sinakyan namin - pero tingin ko naman di talaga sya napupuno ng sobra considering na hapon na kami sumakay at papunta pa sa Tienanmen Square na isa sa mga major tourist spots sa buong China. Hindi ka rin maliligaw sa mga train stations dahil may English translations naman at may arrows for direction na madali lang din naman sundan.  Mas naligaw pa kami sa mga tren sa Tokyo kesa Beijing.  Di ka rin matatakot na magkamali ng baba dahil sa loob mismo ay may mga electronic LED board na nagpapakita kung saang station ka na, at ano ang next na station.  Magbasa lang talaga at maging aware sa paligid para di maligaw.
Wangfujing Street Food Street

4.  ... May mga service road para sa motor at bisikleta.  Tama po, may mga service road na salubungan na para lang sa mga 2 wheels at mga small delivery vehicles (aka tricycle vans).  Imagine mo ang highway na may 6 lanes, tapos sa left at right may service roads na salubungan pero mga small vehicles lang ang dumadaan.  Eh di ba maayos tingnan at di masyado delikado para sa mga motor?! Ang ganda talaga tingnan at napaka-safe.  Di ka talaga makakakita ng mga motor na nakikipag singitan sa gitna ng highway dahil may sarili silang daanan.  Wish ko lang talaga merong ganun sa Pilipinas para wala na mga biglang sumusulpot sa gilid ng 4 wheels.  Wala na rin masyado  aksidente.

Bet mo?  
Sa totoong buhay, 
gumagalaw pa
ang iba jan.  
5.  ... Meron silang Wangfujing Street Food.  Oh yes, I love this place talaga.  Andami street food - mga nakatuhog na scorpion na gumagalaw pa, mga bugs etc.  Meron din naman adidas, bbq, crepe, mga candied fruits, syempre di mawawala ang milk tea.  Madami talaga,  Ang price ng mga food doon sa street na yun ay nagrrange ng 10 - 30 Yuan (that is Y1 = Php 8).  Mahal?  well - wag ka kasi magconvert ng magconvert ng pera para di mahal isipin. Pero, I'm telling you - masarap ang mga food - at authentic na Chinese food - at authentic na Chinese ang gumawa!  
Di po ako ngtry ng exotic food - di kaya ng sikmura ko.  Tinikman ko lang ang parang lumpiang togue nila, yung crepe (mango flavor - yummy pero maasim yung manga).

Wangfujing Street at night.
6.  ... Maganda mag chill sa Wangfujing Street.  Ang Wangfujing kasi is parang isang kalye na sinara for traffic para maging daanan ng mga tao, and sa mga gilid nito may mga malls, department stores at mga specialty shop.  Why I love this place, is because pwede ka mag chill and mag people-watching - pinasosyal na term para sa maghanap ng taong pwedeng pagusapan (lol).  Sa mga gilid kasi may mga benches na pwede umupo, pwede mag yosi, and as  I mentioned earlier, madami basurahan so itapon dapat ang upos sa tamang lugar.  Dahil malamig noong February doon, masarap tumambay sa gilid habang nag iinternet (may dala kaming sariling wi-fi with VPN), kumain.  Chill lang.  Dahil February nga noon at kakatapos lang ng Chinese New Year at Chinese Spring Festival (1 week after kami pumunta), madami pang mga lights sa Wangfujing street na lalo pang nagpaganda sa shopping street.
May pa tulips.  
Kala mo totoo?! 
Hindeeee!!!!!
  
7.  ... OK na People.  Well, maybe panget ang impression ng mga Pinoy sa mga Chinese nationals, pero I am telling you, para lang din silang tayo.  Mas naging open-minded ako about the Chinese people and mas naging understanding na rin.  Lahat ng mga nakahalubilo namin na Chinese - mostly mga tindera or sales personnel, subway attendants, fast food service crew, hotel personnel, kitchen personnel, tour guide, driver - lahat sila mababait, friendly, and handang tumulong.   As in para lang din talagang pinoy.  
Nagpunta kami ng isang Pharmacy dahil may ubo ang partner ko noong pumunta kami ng Beijing, kahit no English si ate, nag effort na gumamit ng translator app para makapagusap kami at mabili namin ang gamot.  Nagbigay pa siya ng tips kung paano ang tamang pag inom ng gamot, at expected time frame na gagaling ang ubo ng partner ko.  After namin bumili ng gamot, pinabunot pa nila kami sa isang box para manalo ng instant prize - kahit di naman umabot ng minimum amount ang binili namin,  Nakakatuwang gesture.  
Meron ding isntance sa labas ng hotel namin, nagtanong kami sa isang pulis for direction.  Sadly di kami nagkaintindihan, pero noong naglakad na kami at may konting kalayuan na rin nalakad namin - hinabol kami ni kuya para isenyas na going the wrong direction kami and then tinuro niya ang tamang daan!  Sweet!

Napakarami pang open space. 
Pramis.
8.  ... madami silang Parks and open spaces.  Sa Pilipinas, lahat na lang ng area sa city tinatayuan ng kung anu-ano - from malls, to condo, mga basetball courts atbp - tapos nawawala na ang mga green open spaces or parks or even daanan na may mga halaman at mga puno.  Doon madami pang ganun.  Dahil winter nga kami pumunta, wala ka naman makikitang green kasi mga kalbo ang mga puno dahil sa lamig - pero you know that they are green kasi mga buhay ang mga puno eh.  Ang sarap lang maglakad sa kalye kasi madami puno.  may mga mini parks din sa gitna ng city na pwede pahingahan - at doon din nageexercise ang mga matatanda at naglalaro ang mga bata.

The Temple of Heaven.  
9.    ... Napreserve and mga Historical Tourist Spots.  Obviously, rich sa history ang China and nakakatuwa lang din isipin at pagmasdan na napreserve ng maayos ang mga structures na significant sa history nila.  Sa Pilipinas yata parang Fort Santiago at mga ilang government buildings lang sa Manila nag napreserve - well, maron din naman ilan ilan sa mga provinces (Hello Vigan!).  Sa China kasi, particular na sa Beijing, ang Temple of Heaven at Forbidden City na lang, nagpapatunay sa husay nila sa pagpreserve ng mga historical sites.  Mga structures doon mga daan daang taon na ang nakaraan, mas matanda pa sa mga Spanish Colonial structures sa Pilipinas, pero maayos at maganda pa rin - at nadadalaw pa rin ng mga tao.  Nakakainggit lang at may halong panghihinayang din kasi yung sa atin - napapabayaan na eh - at di napahahalagahan ng mga tao.
View sa taas ng Meridian Gate ng Forbidden City. 
Yung structure sa gitna ang museleo ni 
Mao Zedong.

10,  Syempre hinuli ko talaga ang Great Wall of China.  Technically, hindi naman talaga siya sa central Beijing matatagpuan - pero malapit lang - mga 1 to 2 hour drive.  Ito talaga ang pinaka highlight ng buong trip - at sure ako pangarap din ng lahat.  Wala na yata sikat pa na structure sa China bukod dito.
Anyway, alam naman natin na mahaba ang Great Wall of China - at dahil sa haba nito, may mga different sections lang ang pwede puntahan.  Pumunta kami sa Mutianyu - isang village 2 hours away from Beijing (by car).  Doon ang drop off point namin para maka akyat ng Great Wall.  Konti kasi ang tao doon at may malaking chance na masosolo mo ang Great Wall.  Malayo siya, pero worth it.  Tingnan nyo na lang ang photos.
Para maka akyat sa Great Wall, either - maglakad ka, or mag cable car.  May 2 cable cars - ang open at closed gondola.  Sumakay kami sa open gondola - dalawahan lang at open nga siya - as in walang harang - so feel mo ang lamig ng hangin at feel mo rin ang kaba dahil mataas na height ng cable car.  Pagdating sa taas, nasa Great Wall ka na - and the view is magnificent.  Sabi ng guide namin - iba iba ang makikita mo sa taas pag nagbabago ang season. So, since winter kami nagpunta - white and brown ang madalas mong makita.  Wala kasing mga dahon ang mga puno - at may mga snow snow pa sa paligid.  First time to play with snow actually,  Parang ---- dinurog na yelong pang halo halo - pero pinong pino sya. Ganun ang feels ng snow.
Free kang gumala sa mga watchtowers, mag picture picture picture till you drop.  Pero nakakapagod din ang mga steep na hagdan paayat.  Chances are, more pahinga ka - lalo na if di ka fit tulad ko,  Hingal levels.  Kahit malamig, nakuha ko pang mahubad ng jacket dahil pinagpapawisan ako sa loob dahil nakakapagod ang akyat baba.  But it is all worth it.
Love love love talaga ang experience na ito - dahil, aside from pangrap lang siya, napaka sarap sa feeling na mapuntahan mo ang isang lugar na nakikita mo lang sa TV, or nababasa mo lang sa libro at internet, at nakaka alam ka lang ng mga trivia about it.  
Ibang level din ang feeling na ito kesa first time mo naputahan at nakita ang rebulto ni Rizal sa Luneta,  Ibang bansa kasi. Parang - ang hirap abutin.


Para makapunta ng Beijing kelangan ng VISA.  Read about it sa previous blog entry ko para makakuha ng idea kung paano.  May mga Seat Sale sa local airlines kaya pag may mga 6 to 8K ka na - balikan na yun.  Not bad.

Kakaibang experience talaga ang Beijing trip namin.  It was a life-changing trip since I get to have a different view on the China, and the Chinese as a whole.  So - it's time to think na naman kung saan ang susunod na destination.