On June 14, 2018 i wrote about my next destination after travelling to Japan in November 2017. Finally I was able to go to that destination last February 2019, after 8 or 9 months of saving for it. And - nakakatuwa lang, and di ko talaga inexpect na - I like Beijing.
I like Beijing because...
Mga formation ng yelo. Winter pa nga kasi pag February. Masarap din ang -1 degrees na temp para sa ating sanay sa mainit! |
1. ... Winter pa nung pumunta kami so malamig ang panahon at may mga snow snow kang makikita sa paligid. Syempre walang snow sa Pilipinas, at sobrang init pa ng panahon - so kakaibang experience din ang -1 degrees na temperature. Nakakatuwa lang na di ka makakalabas ng hotel na naka shorts or sando dahil magyeyelo ang mga dugo mo. Kakaibang experience para sa taga tropical country.
Sidewalk po yan, Maluwag. Makikita nyo rin sa bandang left ng picture ang maliit na kalsadana service road na tinutukoy ko. |
3. ... Maganda ang subway system. Maganda in a way na efficient sya, malinis din. Siguro swerte lang din kami at hindi puno yung sinakyan namin - pero tingin ko naman di talaga sya napupuno ng sobra considering na hapon na kami sumakay at papunta pa sa Tienanmen Square na isa sa mga major tourist spots sa buong China. Hindi ka rin maliligaw sa mga train stations dahil may English translations naman at may arrows for direction na madali lang din naman sundan. Mas naligaw pa kami sa mga tren sa Tokyo kesa Beijing. Di ka rin matatakot na magkamali ng baba dahil sa loob mismo ay may mga electronic LED board na nagpapakita kung saang station ka na, at ano ang next na station. Magbasa lang talaga at maging aware sa paligid para di maligaw.
4. ... May mga service road para sa motor at bisikleta. Tama po, may mga service road na salubungan na para lang sa mga 2 wheels at mga small delivery vehicles (aka tricycle vans). Imagine mo ang highway na may 6 lanes, tapos sa left at right may service roads na salubungan pero mga small vehicles lang ang dumadaan. Eh di ba maayos tingnan at di masyado delikado para sa mga motor?! Ang ganda talaga tingnan at napaka-safe. Di ka talaga makakakita ng mga motor na nakikipag singitan sa gitna ng highway dahil may sarili silang daanan. Wish ko lang talaga merong ganun sa Pilipinas para wala na mga biglang sumusulpot sa gilid ng 4 wheels. Wala na rin masyado aksidente.
Bet mo? Sa totoong buhay, gumagalaw pa ang iba jan. |
Di po ako ngtry ng exotic food - di kaya ng sikmura ko. Tinikman ko lang ang parang lumpiang togue nila, yung crepe (mango flavor - yummy pero maasim yung manga).
Wangfujing Street at night. |
7. ... OK na People. Well, maybe panget ang impression ng mga Pinoy sa mga Chinese nationals, pero I am telling you, para lang din silang tayo. Mas naging open-minded ako about the Chinese people and mas naging understanding na rin. Lahat ng mga nakahalubilo namin na Chinese - mostly mga tindera or sales personnel, subway attendants, fast food service crew, hotel personnel, kitchen personnel, tour guide, driver - lahat sila mababait, friendly, and handang tumulong. As in para lang din talagang pinoy.
Nagpunta kami ng isang Pharmacy dahil may ubo ang partner ko noong pumunta kami ng Beijing, kahit no English si ate, nag effort na gumamit ng translator app para makapagusap kami at mabili namin ang gamot. Nagbigay pa siya ng tips kung paano ang tamang pag inom ng gamot, at expected time frame na gagaling ang ubo ng partner ko. After namin bumili ng gamot, pinabunot pa nila kami sa isang box para manalo ng instant prize - kahit di naman umabot ng minimum amount ang binili namin, Nakakatuwang gesture.
Meron ding isntance sa labas ng hotel namin, nagtanong kami sa isang pulis for direction. Sadly di kami nagkaintindihan, pero noong naglakad na kami at may konting kalayuan na rin nalakad namin - hinabol kami ni kuya para isenyas na going the wrong direction kami and then tinuro niya ang tamang daan! Sweet!
Napakarami pang open space. Pramis. |
The Temple of Heaven. |
10, Syempre hinuli ko talaga ang Great Wall of China. Technically, hindi naman talaga siya sa central Beijing matatagpuan - pero malapit lang - mga 1 to 2 hour drive. Ito talaga ang pinaka highlight ng buong trip - at sure ako pangarap din ng lahat. Wala na yata sikat pa na structure sa China bukod dito.
Anyway, alam naman natin na mahaba ang Great Wall of China - at dahil sa haba nito, may mga different sections lang ang pwede puntahan. Pumunta kami sa Mutianyu - isang village 2 hours away from Beijing (by car). Doon ang drop off point namin para maka akyat ng Great Wall. Konti kasi ang tao doon at may malaking chance na masosolo mo ang Great Wall. Malayo siya, pero worth it. Tingnan nyo na lang ang photos.
Para maka akyat sa Great Wall, either - maglakad ka, or mag cable car. May 2 cable cars - ang open at closed gondola. Sumakay kami sa open gondola - dalawahan lang at open nga siya - as in walang harang - so feel mo ang lamig ng hangin at feel mo rin ang kaba dahil mataas na height ng cable car. Pagdating sa taas, nasa Great Wall ka na - and the view is magnificent. Sabi ng guide namin - iba iba ang makikita mo sa taas pag nagbabago ang season. So, since winter kami nagpunta - white and brown ang madalas mong makita. Wala kasing mga dahon ang mga puno - at may mga snow snow pa sa paligid. First time to play with snow actually, Parang ---- dinurog na yelong pang halo halo - pero pinong pino sya. Ganun ang feels ng snow.
Free kang gumala sa mga watchtowers, mag picture picture picture till you drop. Pero nakakapagod din ang mga steep na hagdan paayat. Chances are, more pahinga ka - lalo na if di ka fit tulad ko, Hingal levels. Kahit malamig, nakuha ko pang mahubad ng jacket dahil pinagpapawisan ako sa loob dahil nakakapagod ang akyat baba. But it is all worth it.
Love love love talaga ang experience na ito - dahil, aside from pangrap lang siya, napaka sarap sa feeling na mapuntahan mo ang isang lugar na nakikita mo lang sa TV, or nababasa mo lang sa libro at internet, at nakaka alam ka lang ng mga trivia about it.
Ibang level din ang feeling na ito kesa first time mo naputahan at nakita ang rebulto ni Rizal sa Luneta, Ibang bansa kasi. Parang - ang hirap abutin.
Para makapunta ng Beijing kelangan ng VISA. Read about it sa previous blog entry ko para makakuha ng idea kung paano. May mga Seat Sale sa local airlines kaya pag may mga 6 to 8K ka na - balikan na yun. Not bad.
Kakaibang experience talaga ang Beijing trip namin. It was a life-changing trip since I get to have a different view on the China, and the Chinese as a whole. So - it's time to think na naman kung saan ang susunod na destination.
No comments:
Post a Comment