Friday, March 16, 2018

Tipid Tipid sa Japan

Oh yes. It was in November when I went to Japan --- specifically Tokyo.  Ilang buwan na rin yung lumipas pero di ko pa rin makalimutan ang Japan experience ko. I love the country... and I swear babalik talaga ako doon... sana sa Olympics sa 2020.
Anyway, ang palaging tanong:  Magkano ba ang gagastusin papunta doon?
Based on my 3-day Tokyo experience, dalawa kami nun.... sapat na ang 50K... so... individually naka 25K din kami.  For 3 days - all in, kasama airfare.  Mahal ba? Well, that is a safe budget I should say.  May ilang tips lang ako paano makatipid.

1.)  Syempre bantay salakay ka ng seat sale ng mga airlines.  Madami na ang mga eroplanong lumilipad sa Japan - PAL, CebuPac, Vanilla Air at iba pa.  So, magtiyaga sa seat sale.
2.)  Instead of hotel, as in hotel, mag AirBnB na lang kayo.  Bakit? Mas mura in the long run - coz may mga pad na pwede magluto.  Make sure lang na pumili kayo ng place na malapit sa mga pasyalan - which is, mas mahal tignan sa website PERO, believe me, mas makakatipid kayo dahil MAHAL ANG TRANSPO SA JAPAN!!! I learned this the hard way. Nagbook kami ng place na 30-45 mins away sa Central Tokyo - mura nga sa place pero gastos sa tren...and sayang ang oras sa biyahe.
3.)  Visit grocery stores and buy food you can cook - yan ay kung naka place kayo na pwede mag cook... pag hindi naman ----
4.)  Kumain sa fastfood. WHAAAAAT?!
Tama po, fastfood aka McDonalds or Burger King.  I know nasa Japan ka na...might as well tumikim ng authentic Japanese food.... well... yes, pwede naman.. pero kung uber tipid ka, pwede na yan.  Mahal ang food sa Japan. Imagine nyo na lang na ang converted presyo ng food nyo ay aabot sa mga 250 to 500 per person.... habang... sa fastfood nasa less than 200 lang. 
Bakit fastfood? Dahil, ang ilan sa mga menu nila - wala naman sa atin.  You can taste an authentic Japanese version of the usual fastfood na kinakain mo dito.
5.)  Buy pasalubong sa mga "japan japan" store aka mga Daiso Daiso or Japan Home natin dito sa Pilipinas. Tawag sa kanila 100-yen store. Nagkalat ang mga thrift shops dun... pero madami options.  Mura lang din doon.  Makakabili ka pa ng mga KitKat na matcha flavor.  Take note lang na hindi lahat ng items dun 100 yen ang presyo ha - pero mura, mas mura kesa mall.
6.)  Buy pasalubong sa mga toy vendo machines.  Yes po.  Madami nagkalat na vendo machines na ang niluluwa ay mga miniature toys or figures ng anime, robots, kahit ano.  Nagvvary din ang presyo, from 100 yen to 300 yen.  Pero di hamak na maganda naman at sooo kawai (cute) ang makukuha mo.  Di ka pa mamomroblema sa packaging kasi maganda ang lalagyan. 
7.)  Bring your own yosi.  Mahal ang yosi doon. 

Ilan lang yan sa naisip ko.  Dadagdagan ko yan pag me naisip ulet ako.



No comments:

Post a Comment