Friday, January 18, 2019

My Thoughts on Travelling


 Akala agad ng iba na pag nagtravel ka madami ka na pera...or mayaman ka na.
Akala.
Madami ang nagkakamali sa "akala" na yan.
Sorry.
Di naman naiisip ng iba na pwede namang pinaghirapan, pinagtrabahuan, pinagpuyatan ang mga gagastusin sa pagtravel.
Akala rin ng iba na sobrang laking halaga ang kelangan para lang makarating sa ibang lugar.
Well.
Mali.
Sorry.
Kung matiyaga ka lang at may konting diskarte, makakarating ka sa lugar na gusto mo puntahan.  Kelangan lang ng sipag - at set your priorities.
Nainspire ako magpunta sa ibang lugar nung nakasakay ako ng unang international flight papuntang London noong 2016. Libre.
Ang pic sa taas ay kuha malapit sa apartment na tinirhan ko at ng officemate ko sa London. Makikita nyo sa likuran ang Tower of London na isa sa mga touristy place.  Sa likuran ng parang castle na yan makikita ang sikat na tinatawag ng karamihan na 'London Bridge'.... pero ang totoong pangalan talaga ay Tower Bridge.
Oh, yes. Libre nga pala ang trip to London na yan - dahil pinadala ako ng company doon for 3 weeks para sa isang training.  Hindi ko naman mararating ang lugar na yan kung ako lang dahil plane ticket pa lang - parang katumbas na ng 5 araw sa Japan. 
Oo - swerte lang yang trip na yan dahil napunta ako sa work na nagkaroon ng opportunity to fly to London.
So, ibig sabihin - di ako mayaman - kahit nakarating pa ako ng London.
After London, may 3 pang bansa ang nadalaw ko.... ang Vietnam, Cambodia at Japan.
Madami na yan para sa iba.
Pero bawat alis na yan ay sangkatutak na pagiipon ngbsweldo ang ginawa ko.  Pagsipag sa paghahanap at pag timing ng seat sale ng eroplano.  Ilang buwang installment sa credit card na pinambili ko ng ticket.
Hindi madali.
Hindi rin ibig sabihin mayaman ako.
Isipin mo na lang na nagiipon ka ng pera pambili ng paborito mong sapatos.
Ganun.
Ang akin lang, instead of sapatos, gusto ko makaranas ng ibang kultura, makita at mapuntahan ang mga lugar na sa libro o magazine or tv/movie ko lang nakikita.
Iba.
Ibang experience talaga mapuntahan ang lugar na nababasa o napapanood mo lang.
Parang nung unang salta ako sa Manila noong 1996. Masaya ang feeling na nakatapak sa Manila.  Dati napapanood ko lang sa TV.  Nung first time ko pumasok sa UP Campus, iba rin ang feeling. Parang - dream come true.  Parang nasasabi mo sa sarili mo na "aaaah.. ito pala ang UP..." ganun.
Pag nakakakita ako ng store/shop/botique sa mall na lagi pinaplug ng mga artista - "aaaah.... ito pala yun..."
Simpleng bagay.
Pero may impact. 
Hindi malilimutan. 
Life-changing.
Bakit? Paano?
Dahil may bagong karanasan ka na naman.  
Parang - karanasan mo na 1st time ka nagkajowa.  Ganun.
Exagg but true dahil unforgettable.
Di dapat mag jump to conclusuon ang lahat na kesyo nagtravel, mayaman agad.
Maaari lang na sa pagtravel lang at pag gain ng experience ang priority nilang "luho" sa buhay.... na pinaghihirapan din bago makamit.




Turn to A New Chapter

I have noy been very consistent with posts.  I dont have a laptop or computer at home and so posting using a mobile fone is quite difficult.
In any case, this is not an excuse.
I will continue to post anything that is in my mind. Anything.
Nobody can stop me.
So I am now changing chapters.
From food reviews to movies I have watched or news that interests me whatever will be posted. Oh, did I mention pictures too?
I have been quite hooked with some photo editing mobile apps - free version usually - and I am loving it.  This means, more edited pics to come. More practice sessions. More before - after pics that I call "From A to B".
Stay tuned.