Sunday, March 3, 2019

Chinese Tourist Visa Requirements for Philippine Passport Holders









Halos lahat naman yata alam kung ano ang The Great Wall of China at I'm sure isa sa mga bucket list nila ang mapuntahan ang famous na landmark na yan.  Pero bago pa mapuntahan ang Great Wall, isang malaking hadlang ang pag apply ng Visa Sa China.
Anu-ano nga ba ang kailangan para mag apply ng Chinese Visa?
I'll give a few tips on applying for a Chinese Visa FOR TOURISTS, single entry lang. Sa mayayaman, pwede naman multiple entry, pero focus lang tayo sa budget travellers dahil nagiipon muna bago magtapon ng pera.  Here we go.

Passport. Obvious. Check the expiration date. Parang pagkain lang yan.  Ang passport ay panis na if ang below 6 months na ang travel date mo. Be sure to update it.
Book your flight only if you are sure that your passport has more than 6 months validity on your travel dates.

ITR/Income Tax Return/Form 2316 that should be Stamped by the BIR.
Question: What if walang stamp?
Option 1: ask your HR muna if may process sila to obtain a stamp from the BIR for your 2316.  If meron, well and good. Solved na.
Option 2: pag wala ang option 1, get a certification from your HR that you are included in the "Alpha List." Ang Alpha List ay listahan ng mga employees ng company na naiforward nila sa BIR for tax payments.  Hindi mo kelangan kunin ang Alpha List na yan. Letter lang na nagccertify na kasama ka sa list.
After getting that certification, pumunta sa RDO ng BIR kung saan ka napapabilang (ask your HR ano ang RDO nyo) at dalhin ang iyong form 2316 and certification at magrequest ng stamp. After nun, solb ka na dapat.
Option 3: if walang process si HR at ayaw magbigay ng certification na yan for whatever reason, humingi ka na lang ng kopya ng "transmittal form" from your HR.  Ang transmittal form na yan ay parang "receiving copy" ng HR nyo nung nagforward sila ng mga tax form ng company ninyo sa BIR RDO.  Imposible na wala sila nun dahil ibig sabihin di sila nagremit sa BIR ng tax.
Pag na secure mo na ang transmittal form, isasama mo siya sa requirements as proof na nagbayad ka nga ng tax c/o your company.

Certificate of Employment.
Obvious. Kelangan ng mga detalye like: # of years sa company or yung start date mo, magkano sweldo at allowances, contact # ng HR, contact person, at higit sa lahat ang wording na babalik ka sa trabaho after your travel.  Indicate mo na lang yan sa request letter mo sa HR sila na bahala mag compose.

Bank Certificate and 6mos bank statement.
Magkaiba ang Bank CERTIFICATE sa STATEMENT. Ang bank Cert naglalaman ng info kung kelan na open ang account mo, at ang ADB o Average Daily Balance.  Ang bank statement parang activity lang yan ng bank account mo.  So, sa certificate, mas mainam na matagal na nakaopen ang account mo at siguraduhing may laman naman siya at ang ADB niya ay mejo OK din naman.  Dahil kelangan ng statement, tinitingnan nila yan if biglang yaman ka na lang within 6 mos. Mas mainam if regular kang naglalagay ng pera sa account mo to come up with a good ADB... hindi yung 1 time big time na deposit lang bago ka nag apply ng visa dahil obvious na parang nagsshow ka lang na me pera ka.
Question: Magkano dapat ang laman?
Hindi ko alam ang saktong sagot.  Pero para sa akin, dapat proportional lang siya sa # of days na magsstay ka sa isang lugar.
Example. If ang balak mo ay mag stay ng 10 days sa Beijing pero ang pera mo ay 20K lang... tingin mo enough ang 20K sa 10 days? Mukhang hindi di ba? So, parang magtataka naman sila bakit ganun.
Personally, I allot 10K per day para sa bank account.  Meaning, if I stay in Beijing for 5 days, at least naman 50K ang laman ng banko. See the logic? In reality naman di ka gagastos ng 10K sa isang araw, pero at least pang show nga di ba?! Walang masama.

Dapat naka-type ang mga sagot mo. Hindi pwede ang sulat kamay lang. 
Lagyan ng check mark ang mga applicable box, at lagyan ng N/A if di naman applicabke sayo.  Kumpletuhin ang form.  May portion sa form na nagtatanong if may iba ka pa bang sasabihin about sa form and requirements... so this is your time to explain.
In my case, wala akong BIR Stamp sa 2316 ko.  Nag attach ako ng 2017 na 2316 at yung transmittal form, sinama ko rin ang 2018 na 2316 ko.  Isinulat ko na lang sa explanation na walang stamp ang 2017 form pero naka attach ang transmittal form as proof na nasend ang tax sa BIR, at walang stamp ang 2018 dahil sa April pa ang filing (submitted my application for visa Feb 11).
MAJOR TIP: wag magsinungaling sa application form. If ang purpose mo ay tourism or pasyal pasyal lang, piliin mo ang tamang option for tourism.
Noong kinuha ko ang visa ko, may isang ate na nadeny daw ang visa niya.  Ayun naman pala, purppse nya ay magtrabaho sa amp niya na nasa China. Ang sinelect nya is tourism. Very wrong di ba?!

Picture.
Hindi yung ordinary na passport picture.  Siguraduhin na sundin ang specified picture size na gusto nila dahil grounds for denial din ang 'not following instructions'... di ba sa exams tinuturuan tayo nyan at zero score natin pag di nagffollow.
2 pcs ang kaangan, white background, walang head borloloy, front view (bawal ang studio picture na may pa side view konti, or naka yuko konti),
48mm by 33 mm ang size - at dapat kinuhanan within 6 mos.
Sa case ko may mga sobrang pictures ako nung nagpapic ako for our Japan visa application - pero magkaiba pala ang size - at nakuhanan yun last year pa, so napilitan talaga ako magpapicture ulet.  Itanong nyo sa photo studio or sa photographer if kaya nila magproduce ng ganung size na pic bago magbayad - just to be sure.

Flight and Hotel Details.
Since Type L or Tourist Visa ang inaaplyan, need ang flight and hotel details.
Personally,  I booked the flight to Beijing noong July 2018 pa.  Seat sale, ano pa nga ba.  Nagbook naman ako ng hotel mga bandang January.
Sa airfare - no choice tayo jan kasi kelangan bayaran na bago pa man mareserve or ma book mismo, unless mag mock booking ka at magbabayad thru payment channels kasi usually within 24 hrs pa irereserve ang slot mo. Pwede siguro yun ang ipapakita mo.
Sa hotel naman, I use Booking.com para magpareserve because usually meron mga "pay at property" na mga hotels at free din ang cancellation if malayo pa ang trip.  Yun lang din pinapakita ko.  Ok naman siya.

Submit yan lahat sa Office of Consular Affairs ng China sa may Buendia.  Be there early, like mga 7 or 8 para mejo mauna sa pila. Sabi kasi until 11AM lang sila tumatanggap ng applications. Also check muna ang website nila if may pasok sila kasi minsan holiday.
After 4 working days malalaman mo na if makakapasok ka sa mainland or hindi.

Usual requirements lang naman din yan pero may mga konting twist lang at diskarte to get them. Good luck sa application!