Tuesday, September 3, 2019

Change ng Status ng Pag-Ibig


Voluntary contributions na ko sa PAG-IBIG!
Kahit kelan di pwede voluntary ang pag-ibig. Dapat all the time may pag-ibig.
Sa mga single - well, ouch na lang... dahil minsan kahit voluntary na, di pa rin tinatanggap. Saklap besh!
Pero ang PAG-IBIG contribution ng mga Freelancer madali lang pala magchange ng status.
Pumunta sa pinakamalapit sa PAG-IBIG office.
Magfill out ng MEMBER'S CHANGE OF INFORMATION FORM. Kinuha ko to sa Guardo Versoza sa may pintuan.
I fill out ang section no. 1 - CHANGE OF MEMBERSHIP CATEGORY. Syempre chane from EMPLOYED to VOLUNTARY CONTRIBUTION ang nilagay ko.
May mga iba pang fields na pwede ichange pero di ko na iddiscuss dahil malay ko ba sa mga isyu nyo. Ang isyu ko lang ay mag change ng status of employment which I know isyu din ng iba.
Anyway, kumuha ng number kay kuya Guardo, magjintay tawagin.
Nung tinawag na ako - hiningan ako ng Valid Id at driver's license ang prinisinta ko. Tinanong ako if kelan ako nagresign - in my case, Sept 2 effective ang resignation ko at Sept 3 naman ako nagpunta ng PAG-IBIG.
Sabi ni Ate kelangan daw magbayad ng contribution para machange ang status.
Minimum of 200 ang babayaran - kasi technically 100 ang share mo, 100 sa employer.... Pero dahil wala naman tayo employer na local, kargo natin ang buong 200.
The good news is - walang limit kung gaano kalaki ang ihuhulog mo monthly - basta minimum ay 200. In my case, lagi 500 per month ang hulog ko dati nung employed pa ako so payag ako na 500 din babayad ko para sa August contribution ko (dahil di na binayaran ng company ko dahil nagresign na ako).  Pwede mo naman itanong sa nagentertain sayo kung ano month ang last contribution mo. Isa pang good news ay... Wala daw due date... So technically anytime pwede talaga. Ang saya lang. 
Anyway, just in case ask kayonif may trabaho kayo, wag na magpabibo at mag explain na freelancer ka. Sabihin mo na no permanent work. E d masyado masakit sa ulo mag explain. 
Or maybe baka gusto mo magpaconsolidate nabrin ng contributions para walang problema - isang lakaran na lang din - pwede rin.
So anyway, nagbayad ako ng contribution ko. Sabi ni Ate Gurl - ok na daw. Na change na daw ang status ko. Pwede na daw maghulog monthly.
Pwede maghulog thru Gcash or any payment channels. Convenient siya, tuloy tuloy pa ang ipon mo!
Saya lang.
Madali lang pala. Yun lang.