One bagyo after the other can be good or bad.
Good for me kasi malamig at masarap matulog - beneficial sa mga nagttrabaho sa gabi na katulad ko. Bad sa iba kasi wala na silang masilungan kundi nga evacuation center na siksikan at mabaho.
Good for me kasi tipid sa pera kasi of eating lunch, itutulog na lang. Bad for some because there are material damages which means more gastos and more nasayang na gamit na naipundar.
Good for me because I can stay home the whole day - and sleep of course. Bad for some because it means they do not have a place to stay.
Gusto ko lang naman sabihin na kung may naghihirap dahil sa bagyo, meron ding mga natutuwa. Hindi naman kapinsalaan ang dulot ng sakuna - dahil sa likod ng lahat ng paghihirap, merong mga taong natutuwa, meron kumikita, meron yumayaman. Yan ay isang katotohanang dapat harapin ng lahat.
Literal translation of "halo-halo" is "mix-mix". This page is a mix of every thought I have, on travel advice or travel tips, travel processes and anything travel related. This is also about a new food item in the grocery store that I bought, a new restaurant in BGC or Makati or anything food, though I am not a foodie. I also write about movies to watch, movies not to watch, exciting movies, flop movies, and likes.
Saturday, October 1, 2011
Friday, September 23, 2011
Birthdays and New Things to Come
I have been existing in this world for 32 years and yet wala pa rin akong napapatunayan sa sarili ko. Nabubuhay pa rin ako sa anino ng pagsisisi at sa awa sa sarili - na alam ko namang sarili kong kagagawan. Ngayong isang oras at ilang minuto na ang lumipas at akoý 32 na, parang karaniwang araw ulit ang aking haharapin.
My birthday was like any other ordinary day. Mas malungkot pa nga kasi concious ka na lumagpas na sa calendaryo ang edad ko... lumipat na sya sa numero sa thermometer. Parang wala naman talagang special na pangyayari except for the greetings na nabasa sa Facebook, sa cake na binili ni Kermit at Sarah. Wala rin namang significant na feeling na umuusbong sa aking pagkatao. Wala talagang pinagbago. Pasalamat na lang siguro ako at ako ay naka leave ngayon sa trabaho. Other than that - nah.
Buti na lang there are new things about me that I want to discover - the yearning to push my limits and at the same time, fulfill the dream of living a healthy lifestyle - quit smoking at eventually losing a lot of weight. Good thing that I started to run again.
Ewan ko lang kung ano pa talaga ang mga dadating sa hinaharap. 32 years na mejo bitter-bitteran ang pakiramdam ko - though people do not seem to see it - but then deep inside - I am ... not super happy with what I have now.
I dunno if this mentality will ever go away. I hope it will. Anyway, I still have a whole new year to rechannel all of my energy and my frustration and all of the sadness I feel inside...
Definitely, there will be a lot of things to come my way...and I am sure these things - good or bad, will make me better.

Monday, August 8, 2011
First Time
I just want to try this whole blogging thing.
People have been talking about this for the longest time. Some even earn from this hobby.
Since mahilig naman ako magsususulat ng kung anu-ano na nasa laman ng utak ko - Why not di ba?!
Hindi ko naman intention na makilala dito - or moreso - kumita sa pagsusulat, pero kung mangyayari - why not talaga.
Ang mahalaga - try try lang, sulat sulat kung ano ang lumalabas sa ulo. Siguro nga ito ang pinakaligtas na paraan ng pagddiary o pagjjournal ngayon - ang buo madlang people ang makakabasa...
Unang pagsusulat ko to, at nandito ako sa isang internet shop habang inaantay si Partner. Lagi naman kasi ganito ang set up eh - bawal kasi tumambay sa bahay nila. Isang piping saksi ang internet shop na ito sa pagsusulat na ito. Ang mga katabi ko namang mga customers at mga staff na nakatayo, ang mga chismoso at chismosang saksi na nakikibasa sa mga text.
Wala naman talagang special na subject ang pumapasok sa isip ko ngayon. Basta na lang inutulak ng aking isip ang aking mga daliri na mag-type. Ang utak ko, kahit malapit na mag sign-off, kahit paano may nailalabas pang words para isulat. Ang mga kamay ko active na active pa rin. The body is willing but the mind is not.

Saturday, May 14, 2011
Hanggang Call Center na lang ba Ako?
Totoo nga naman talaga ang sinasabing - nasa huli ang pagsisi.
Oo, nagsisisi ako at nagbulakbol ako sa eskwela nung college. Nagsisisi ako dahil alam ko may talino ako pero sinayang ko ang pagkakataong makapagtapos at makahanap ng trabahong gusto ko.
Hindi ko sinasabing panget ang kinalalagyan ko ngayon dahil malaki rin naman ang sweldo kesa mga karaniwang empleyado, pero mukhang hanggang dito na lang ako.
Nakakalungkot man sabihin pero kelangan ng kapirasong papel na tinatawag na diploma para makapasok sa mga multinational na kumpanya. Kelangan din ng papel na iyan pag gusto mo magiba ng larangan. Madami sa paligid, alam ko, ang tulad kong di man nakapagtapos pero may galing at talino, determinado na magtrabaho, at kaya ding gampanan o di kaya higit pa ang mga tungkulin ng isang nakapagtapos.
Sa kinalalagyan ko ngayon sa call center, masasabi kong mas magaling pa ako magEnglish kesa isang aplikanteng nakapagtapos. Mas magaling pa ako mag articulate ng English kesa isang taong me pinanghahawakan na diploma. Mas madali pa akong matuto kesa mga may degree. Mas napromote pa ako kesa mga kasabayang me mga tinapos na kurso.
Sinabi ko sa una, hindi naman masama ang kinalalagyan ko sa call center. Pero may mga panahong gusto ko subukan ang ibang trabaho. Naalala ko na naman ang isang interview ko mga 6 na taon na ang nakalipas. Ang sabi ng nag-interview - "...kelangan kasi namin graduate eh."
Masakit sa tenga pero totoo. Tanggapin ko na lang ba ang katotohanang ito? Meron pa kaya jan sa labas na magbbibigay ng pagkakataon sa isang katulad ko - o ang idustriyang call center lang ang makikinabang sa aking angking galing at sipag?

Subscribe to:
Posts (Atom)