Diet ka? Nagiisip ka pa lang mag diet?
Ako nagstart na, nung January pa. In all fairness, umepek naman. From 85.2 kg nung December, nasa 76 kg na ako ngayon. Malayo sa target ko around 65kg, pero - choosy pa ba ako sa nabawas na timbang?! Syempre, di na ko aarte pa.
Share ko lang ilang natutunan ko sa paggrocery na nakatulong sa aking pagddiet.
1. Hindi na masyado pumapasok sa loob ng mga estante sa grocery. Take note na halos lahaaaat ng mga unhealthy food ay nasa "looban" ng grocery. Nasa mga "eskinita" nila - while lahaaaat ng healthy food ay nasa palibot lang or perimeter ba or minsan iisang section lang ng grocery.
Kahit anong grocery store pa yan (major grocery store) pareho lang ang layout. Mga gulay, meat, fruits, veggies - nasa labasan lang ng mga eskinita. Halos iisang section lng sila at magkakatabi pa.
Kung lilimitahan mo ang pagpasok sa mga eskinita ng grocery, mas makakaiwas ka sa mga junk foods at mas mabibigyan pansin ang pagbili ng healthy foods.
Mas mainam if gumawa ka ng listahan ng mga bagay na kelangan bilhin sa looban - like maybe milk or cooking oil or coffee at dun lang sa section na yun dumiretso kesa iikot ikot ka pa.
Again, iwas temptation.
2. Mag grocery ka habang busog. Tama po. Siguraduhin na pag naggrocery ka, nakakain ka na - or gawin yan pagkatapos mo kumain.
2. Mag grocery ka habang busog. Tama po. Siguraduhin na pag naggrocery ka, nakakain ka na - or gawin yan pagkatapos mo kumain.
Bakit?
Kasi, iwas sa cravings. Minsan, kapag gutom ka, kung anu- anong food maiisip mo na gusto kainin kaya ang tendency, pag naggrocery ka, dadamputin mo. Kalimitan pa sa cravings mo ay either sweets or junk food.
Praktikal reason lang, na minsan, dahil sa takaw mata ka lang dahil sa gutom habang naggrocery, makakadampot ka ng madami bagay and in the end, sa bahay, di mo rin makakain.
3. Bilhin lang ang kelangan until the next grocery time. Yep. Wag masyado OA sa pagbili. Kung weekly ka naggrocery, good for 1 week lang ang bilhin, wag 1 month - para di masira, at siguraduhing makakain mo talaga ang pinamili mo.
Personally, i cook my own baon sa office at weekly ako naggrocery (either Waltermart Makati or SM Hypermarket sa may dela Rosa). Kapag bibili ako gulay, yung maluluto ko lang ng 1 time at irref lang para baon for the week.
Hindi masyado marami.
Of course naman di mawawala ang tinatawag na katamaran sa pagluluto. Buy pa rin ako ng canned goods like corned beef or tuna, pero nililimitahan ko lang. Pag may naka stock na 3 sa bahay, stop na muna sa canned goods at antayin konmaubos muna. Pwede naman kasi ihalo sila sa mga ginisang gulay di ba?!
Sa mga nasa Manila, mahal ang mag diet dahil lahat binibili. Kaya nga mas mainam na magtipid at limitahan na rin ang pagbili ng mga bagay na di naman nakakatulog sa diet. Check o hindi?
Ano masasabi mo? Baka meron ka pa idadagdag or itatanong? Comment below.