Wednesday, April 18, 2018

Ha-Inan sa Manda


 Malamang may ilan nakakaalam na sa resto na to sa Mandaluyong pero pasensya na, bago para sa akin - so, husgahan na yan!
Ha-inan opens at 9AM and closes at 10PM for dine in customers, but their delivery service ends at 9PM.  Tingnan nyo na lang ang menu.
Nagtry kami ng 2 large Sisig and 1 large Kare-kare all for 1200 + 100 delivery charge dahil nasa BGC kami.  Pang dinner namin for a group of 9.  Not bad, dahil di naman kami kumakain ng madaming rice. 
Since kainan time is 6PM, nagorder ako mga 2PM para me time to prep naman sila. Ok naman daw. Dedeliver nila before 6PM. Push.  Sabi ko na lang na magtext or call pag paalis na sa kanila or if nasa baba na ng building para mapuntahan ko agad. Push.
True enuf, 5:20 pa lang may nagtext na ... nasa baba daw siya.  Aligaga naman ako bumaba kasi kala ko mga 5:45 pa.  Mainam!
At eto na ang order namin!!!!

Yung isang sisig di ko na sinama sa picture.


Maganda at maayos ang lalagyan. Hindi nakaplastic bag! Nakalagay sa plastic ware...hahahha... di ko lang naitanong if microwavable siya.  In any case, malinis naman at di natapon ang sabaw ng Kare-kare. Goodjab sila jan!

Ang bango ng Kare-kare. Unang bukas ko pa lang naamoy ko na agad. Di ako fan ng mani at lasang mani (no pun intended) pero appetizing at nakakaenganyo ang amoy ng Kare-kare nila.  Ang sisig naman, di ko inasahan ganun pala kalaki. Looks OK naman. Pero since fan ako ng mga crispy sisig, di ako masyado na excite.


Husgahan time. Mababa lang naman ang expectation ko sa KareKare since ganun naman talaga eh... expect mo mas masarap ang home-cooked recipe ng mga mahal sa buhay. Nakakadismaya lang kasi ang konti ng gulay. Mga 3 or 4 pirasong dahon ng pechay, konting talong, may konting twalya, konting bagoong na di-naman-masyado-matamis-pero-masarap-naman na nakalagay sa maliit na lalagyan. Pero in fairness naman, isang swimming pool ng sabaw. Kung titingnan mo ang ratio ng sabaw at laman - tawag siguro dun ay - nalunod! Tapos ang ratio ng bagoong sa size ng KareKare considering the sabaw, siguro pang 3 tao lang. Press release nila sa menu pang 8?! Sa bagay baka sa 8 na sinasabi nila 5 ang hindi kumakain ng bagoong.
Sa lasa, pasado sa panlasa ko! Masarap.  Di ko inexpect na ganun naman pala ang lasa. At bilang di kumakain ng twalya, natuwa na ako sa swimming pool na sabaw.  Pano kasi, onti nga lang ang gulay.  Pero lasa ang mani, mejo matamis, creamy namam siya, hindi malabnaw at higit sa lahat, mainit pa nung diniliver! Perfect!

Sa sisig naman.... masarap din. Lukewarm lang talaga ang reaction ko kasi di ako mahilig sa hindi crispy sisig.  Pero in fairness naman, may texture siya.  Texture - yung kakaibang "feeling" ng paghagod ng pagkain sa dila mo. Paano di magkakaroon ng texture eh makikita mo ang ilan ilang puting cartilage (na finely chopped naman). May konting crunch. May konting matigas. Fiesta sa texture. Pero uulitin ko, i am not a huge fan.  Pero kumain pa rin ako kasi masarap naman siya.  Take note lang na hindi na sizzling ang sisig namin kasi delivery siya.  Alam nyo naman na kumumunat ang sisig pag mejo di na sizzling. Hahhahaa.. pero siguro if sizzling pa talaga yun pag nasa dine in sa resto - im sure magugustuhan ko.
Mauulit pa ba? Oo naman! 
Recommend ko siya sa mga nagwowork sa BGC or Manda area or baka Makati pwede pa. Convenient at maayos kausap ang supervisor n si Robert na siya nakakausap ko.  Ayoko kausap sa fone ying babaeng receptionist kasi feeling ko wala siyang magagawa sa mga request mo - mas mabuti rekta ka na sa supervisor.  Binibigay naman niya ang fone kay Robert.
Mabilis lang ang delivery at maayos pa at mainit init pa ang food pag nadeliver.  Yun lang, sorry sa night shift, 9PM lang ang last delivery - pero sa dine in 10PM.  Di ko alam san ang tindahan nila sa Manda, pero I dont mind if di ako makakakain sa resto nila. Sapat na ang delivery.
Btw, meron pala silang "suki card" na nilalagyan ng sticker everytime magpapadeliver. May freebie pag 4th and 8th delivery.
Again, this is not a paid ad.  Share ko lang..baka meron magpapakain jan...

Me naka try na bang iba?

  

No comments:

Post a Comment