Maybe isa sa mga pangarap ng mga tao ang makarating sa The Great Wall of China. Nasa bucket list yata yan ng lahat ng aware kung ano ang structure na yan.
Syemps gusto makarating dun. After ko makarating ng London, may kakaibang feeling nga ang nararamdaman mo pag nakikita at napupuntahan mo ang mga lugar na sa books mo lang nakikita o nababasa.
Well...
Pinaghahandaan yan.
Pinaghahandaan ko na rin ang Great Wall.
Booking ng plane tickets to Beijing, China - check na check na.
Excited.
Dalawa na naman kami magttravel sa February next year.
Magkano ko naiskor ang tickets - sabihin na nating 7K balikan or 14K balikan para sa aming dalawa na yan.
So - ang aabangan na lang --- magkano magagastos. Syempre hindi naman lahat ken ken afford ng luxury sa travel. Marami sa atin nagiipon muna bago lumarga...
At least step 1 check na.
Step 2 underway - ipon ng pera.
Step 3 underway - research.
Basa online.
Nood ng videos.
Ganun.
Mahaba haba pa ang time.
Isshare ko na lang ang next stage pag nasa ganung stage na... lalo na ang VISA application. Dreaded.
For now.. enjoy enjoy muna magbasa.
Abang abang na lang sa susunod na kabanata.
No comments:
Post a Comment