Sunday, July 29, 2018

5 Things na Di Kinakahiya pag Nagtravel


Exciting ang mag out of the country travel, lalo na pag 1st time mo. Kahit naman batikan ka na sa pag travel, exciting pa rin. Pero mapa-veteran man o baguhan sa pagttravel, may mga bagay na feeling eh di bagay at nakakahiyang gawin o aminin sa mga friends na kasama mo sa biyahe or mga babalitaan mo pag uwi galing travel.
Pero may iilang bagay na hindi dapat ikahiya pag nagtravel.

1. Mag stay sa budget accommodation.

Hindi naman lahat ng nagttravel eh milyunaryo na kaya ang mag stay sa 4 or 5 star hotels.  Anong masama at nakakahiya sa pag stay sa isang 500 to 1000 pesos per night na accommodation?  Ang point ng pagttravel ay maka exper0ience ng bagong kultura, makakita ng mga tanawing sa libro or tv lang nakikita, makakilala ng mga baging kaibigan.
Ang accommodation ay parang - tulugan, pagiiwanan ng gamit, pahingahan, paliguan.  Syempre, bilang traveller, kelangan kumportable - and that is kanya kanyang preference naman kung ano ang kumportable o hindi.  I personally use BOOKING.COM sa paghahanap ng hotels na mura. Pag minsan, sa AirBNB.  Again, hi di nakakahiyang sabihing sa mura ka lang nag stay.  

2. Bumili ng pagkain sa convenience store para sa baon sa biyahe or kakainin bilang meal.

Balik tayo sa point ng budget travelling. Hindi naman contest ito ng pasarapan ng pagkain, but ang pagtravel ay ang pag experience ng kultura ng ibang bansa.  Take note na maaaring pareho lang ang itsura o pangalan ng convenience stores dito or sa ibang bansa pero iba ang lasa, iba ang texture at iba ang timpla.  Yan ay culture! 

3.  Kumain sa fast food.

Maybe ang pinaka common na advice na maririnig mo pag nag out of the country trip ka ay ang magtry ng local cuisine or delicacies. True naman. Pero wala rin naman masama kumain sa fast food like McaDonalds or KFC dahil chances are, merong nasa menu nila na wala sa menu natin na worth it matikman. Magandang idea din kaya ang gawing fastfood tour ang trip para makita ang difference ng sineserve sa atin. Prices naman ay halos pareho lang sa atin.  Trust me, it is worth it kumain sa fastfood sa ibang bansa. It's tipid pa.

4. Magselfie at magpose and magpicture kahit saan.

May mga lugar na hindi masyado "tourist infested" na maraming nagpipicture so mejo mahihiya ka na magselfie.  But, don't be ashamed na ipaalam sa mga local na isa kang turista dahil ang turista ay mahalaga sa bawat lugar! Besides, isa sa mga objectives ng pag travel mo ay ang pag collect ng experiences at moments and wala naman ibang effective memorabilia at proof na nakarating ka sa lugar na yun but pictures. Ang mga nabibiling memorabilia madaling masira, manakaw or mawala - pero ang pictures na makukunan mo ay magmamarka talaga.

5.  Wag mahiyang nagtanong.

Hindi lang sa Ritemed ang linyang yan. Kahit sa travel.  Sabihin na nating may language barrier at hindi naman sila sanay o marunong ng perfect English - pero meron tayong tinatawag na mobile apps na pwede gamitin pagtranslate.  Besides, wapakels na pag barok ang English mo, dahil barok din naman ang English nila. It's a tie! Marerealize mo na hindi kelangan perpekto ang grammar at tenses mo pag kausap mo ay mga banyagang di naman din umi-English.  Sabi nga, it's the thought that counts - thought ng sentence! 

May iba sigurong bagay ang di dapat ikahiya, pero yan lang ang top 5 para sa akin... maybe may idadagdag ka pa.... comment below.

No comments:

Post a Comment