Madami trabaho sa office kaya mejo ang tagal ng sumunod na update. In any case, naisipan ko lang magsulat about sa resto na ito. 1st time ko kumain dito kahit ang tagal ko na siyang alam.
Tuktuk @ Bayani Road.
Located within the premises of a gas station, mejo tago ang resto na ito. Ilan lang ang mga parokyano. In fact nung kumain ako eh ako lang ang customer. Nasa looban siya ng Equator Gasoline Station. Hindi mahirap hanapin ang Equator Gas station dahil nagiisang gas station naman siya along Bayani Road sa Taguig. May mapaparadahan namn sa likod ng gas station pero konti lang ang space at ito at street parking. Free naman ang parking kaya ok na rin, kesa wala. Pag nasa loob ka na ng gas station, makikita mo na ang resto na ito agad.
Sa interior naman, OK naman siya. Malinis naman siya tingnan. Maayos ang mga table and chairs na gawa sa kahoy. Ayun nga lang, sa makikita nyo sa picture, wala naman siya masyado - or should I say, wala naman siyang ka touch-touch ng Thailand. In other words, pwedeng pwede siyang ihelera as - karinderia na generic ang food. The difference lang kasi is that sa labas makikita mo na ang ilan sa mga food nila, and by the name itself, alam mo na Thai food ang specialty nila. In short, walang ambiance na nasa Thai resto ka. Siyempre ang ibang tao, total dining experience ang gusto - kaya mahalaga ang ambiance.
Ang pinakamahalaga sa lahat. Ang food choices. Well, hindi naman ako expert sa pagkain, lalo na sa International cuisine or sa Thai food. Kaya ko nga naisipan kumakin dito para maka experience ng Thai food. Sa tingin ko naman, ok naman ang food options at mejo madami din - di ko lang sure if sapat na ito para sa isang gastronomic experience na mala-Thai. Tingnan nyo na lang ang pictures ng menu later sa baba.