Showing posts with label food. Show all posts
Showing posts with label food. Show all posts

Monday, December 3, 2018

Tuk Tuk @ Bayani Road

Madami trabaho sa office kaya mejo ang tagal ng sumunod na update.  In any case, naisipan ko lang magsulat about sa resto na ito. 1st time ko kumain dito kahit ang tagal ko na siyang alam.
Tuktuk @ Bayani Road.
Located within the premises of a gas station, mejo tago ang resto na ito. Ilan lang ang mga parokyano. In fact nung kumain ako eh ako lang ang customer. Nasa looban siya ng Equator Gasoline Station. Hindi mahirap hanapin ang Equator Gas station dahil nagiisang gas station naman siya along Bayani Road sa Taguig.  May mapaparadahan namn sa likod ng gas station pero konti lang ang space at ito at street parking. Free naman ang parking kaya ok na rin, kesa wala. Pag nasa loob ka na ng gas station, makikita mo na ang resto na ito agad.
Sa interior naman, OK naman siya. Malinis naman siya tingnan.  Maayos ang mga table and chairs na gawa sa kahoy.  Ayun nga lang, sa makikita nyo sa picture, wala naman siya masyado - or should I say, wala naman siyang ka touch-touch ng Thailand.  In other words, pwedeng pwede siyang ihelera as - karinderia na generic ang food.  The difference lang kasi is that sa labas makikita mo na ang ilan sa mga food nila, and by the name itself, alam mo na Thai food ang specialty nila. In short, walang ambiance na nasa Thai resto ka.  Siyempre ang ibang tao, total dining experience ang gusto - kaya mahalaga ang ambiance.  
Ang pinakamahalaga sa lahat. Ang food choices. Well, hindi naman ako expert sa pagkain, lalo na sa International cuisine or sa Thai food.  Kaya ko nga naisipan kumakin dito para maka experience ng Thai food. Sa tingin ko naman, ok naman ang food options at mejo madami din - di ko lang sure if sapat na ito para sa isang gastronomic experience na mala-Thai. Tingnan nyo na lang ang pictures ng menu later sa baba.



Saturday, August 11, 2018

Instant Udon

Hindi ako fan ng mga noodles like the Japanese Ramen or kahit pansit Lomi.  Hindi ko nga ano ang difference ng mga noodles...basta alam ko noodles sila. Pero alam ko naman na madami ang klase ng noodles jan.
Habang naggrocery sa SM Hypermarket sa Makati, napunta kami sa instant noodles section at nakatihan ko damputin ang bowl ng Udon Miso ng Lucky Me.  Gusto ko kasi ang lasa ng miso soup... very Japanese ang dating.  Sa isip ko, baka lasang Japanese ito.
Sa halagang less than Php80, (Php 69 pala siya) pwede na.  Feeling Japanese na.
So eto na nga.... last weekend, hinusgahan ko na. 
2 ways to cook:
1.  Buhusan ng kumukulong tubig at takpan.
2.  Buhusan ng tubig, i-microwave ng mga 2 to 3 mins.
Pinili ko ang mag microwave.  Binuksan lahat tapos binuhos ang mga seasoning at ibang mga sahog, then nilagyan ko ng tubig, pinasok sa microwave.
Pagkakuha...mainit init pa. Mabango. Nagulat ako may ground meat, may daikon (aka radish). Ang ganda!
Kumuha ako ng chopsticks para feel na feel ang Japanese vibe.
Masarap ang sabaw. Lasang Japanese nga (if you know what I mean)! Lasang sabaw ng miso.  Lasang Ramen.   Pero ano nga ba ang Udon?
Sa tagalog pa, pansit lang din naman siya na mejo mataba konti.  Very firm ang noodles, tipong hindi nagbbreaknor napuputol pag kinukuha mo sa bowl. Masarap ang noodles.  Hindi matamis or maalat ang noodles per se, plain lang... parang kanin... pero paghinigop mo siya kasama ang sabaw, yummy! So yun pala ang udon.
Ang nakakatuwa pa, yung meat bits na kasama, lasang karne talaga.  Masarap. Parang ground pork or beef (i dunno the difference) - pero more likely pork.  Hindi alanganin ang lasa para sa akin.
Pinatikim ko siya sa partner kong pihikan sa pagkain. By pihikan, yung tipong tao na ayaw tumikim ng bagong pagkain.  Aba, nagustuhan niya at sabi bibili daw isa pa next time.
Overall naman, sulit na sa less than 80 pesos. Kesa kumain ako sa Japanese resto... pwedeng pwede na siya pang daily doze of Japanese food...pwede na siya pangtanggal ng cravings.
I am not sure lang if mabibili din to sa ibang grocery store - pero sure ako meron sa SM Hypermarket. Try nyo.
Yan ang actual price sa SM Hypermarket.


Sa malapitan.

Ang layo sa picture!

Ito yung sinasabi kong meat bits. Lasang karne talaga!

Tuesday, June 19, 2018

7Eleven Pancake





Surprisingly, this is yummy!
Mura pa.
59 pesos ang pancake na may kapiranggot na scrambled eggs and 3 pcs ng bilog na hotdog + isang maliit na pack ng syrup.
Not bad really para sa isang quick brekkie.
Ang pancake itself is tama sa tamis at malambot. Fluffy ba ang dapat na term?
Ang hotdog - lasang Purefoods na masarap. Hindi cheap ang lasa.
Ang itlog - again, kapiranggot lang kaya mejo neglible na. 
Masarap siya ipares sa hot choco nila - brekki na brekkie lang ang dating.  Sa pagka alala ko, pancake + yung large na hot choco ng 7Eleven nasa 99 pesos.
Pwede rin naman tubig na lang ang panulak. Tipid pa. Inarte lang kasi ako nung araw na bumili ako nun.
Anyway, try niyo. Nakakabusog naman siya.
Hindi po ito sponsored... gusto ko lang ishare ang nadiscover ko.  Judgmental ako sa convenience store packed foods kasi... di ko inakala na masarap ang pancake nila.
Push! 
Check out the pics below.
3 pcs pancakes, 3 pcs of round hotdogs and scrambled eggs.

Fluffy pancakes. They are yummy!

I guess they're Purefoods hotdogs. Small but tastes good.

And it comes with a small pack of syrup.

Tuesday, August 8, 2017

Sa Maisen

Hindi ako super fan ng Japanese food.... pero alam ko masaraaaaap siya at kakaiba. Kaya if may magyayaya na kumain, go lang! Kahit di naman talaga ako familiar sa food.
It so happen it was my teammate's birthday and we decided to eat at Maisen at Shangri La the Fort.
Food price ranges from 300 to 700 with unli: rice, cabbage, small slices of fruit, miso soup. Choosy ka pa ba?
I ordered Tenderloin Katsudon.  Tenderloin. Japanese rice, egg and ewan ko me cheese ba yun. Sabi ko naman di ako familiar eh. 
Pag sinabing Japanese rice, mabigat sa tiyan. So, from walang kain mula bfast, lunch - busog ako sa isang serving. Sulit.  Mga kasama ko naman umorder ng Mixed Seafood Katsu set. Iba ibang seafood - fishes - cream dory and salmon at tempura, Japanese Rice, cabbage, miso soup, fruit. Busog lusog din sila.  To think di naman kami balingkinitan, lahat kami may katabaan at mahilig lumamon.
In any case, akala ng iba dahil nasa Shangri La, mahal ang pagkain. Di naman pala. Sa halagang 400, sulit na ang food mo.  Baka di mo pa maubos.  Wag ka nga lang mag order ng beverage. Tubig tubig ka lang ok na.  Better yet magbaon ka ng mineral water.  Sobrang nakakatuwa ang food, price - isama na rin natin ang overall vibe ng lugar. Looks and feels sosyal.
Maybe this is a good splurge for the ordinary citizen like me.  Hindi naman masama ang i-reward ang sarili ng masarap na pagkain sa lugar na hindi mo naman madalas kainan.
This is not the 1st time naman na kumain dito - 3rd time siguro, and I will keep on returning when I feel like eating Japanese food - and if may konting extra budget.

Sunday, August 6, 2017

Taste Bid Tickler: Sinigang - Watermelon?!

I was shookt (hahaha) when I went to the grocery this afternoon.  Nagbabalak kasi ako magsinigang bukas, pero nagulat ako nung nasa estante na ako ng mga sinigang mix, may kakaibang flavor na bago sa panlasa ko ang naka grab ng aking attention.

I have tried the Mango and Pineapple sinigang mix. I liked the former, but I never thought of Watermelon to become commercially available as a sinigang mix.  Salute to Maggie for making ways to tikle our taste buds. Here's how it looks.

Pagdating sa bahay, nagpalambot agad ako ng pork, then nag slice ng radish, prep ng kang kong and sitaw, siling mahaba na bigay ng friend ko from Pampanga (thank you Joms). Dko na nilagyan ng okra. Ayoko ng madulas.

My sinigang recipe is just simple.  After lumambot ang pork, binuhos ko na ang 2 packs ng Maggie Watermelon Sinigang Mix.  Sa unang buhos pa lang...mmmmm.. smells like watermelon!  I poured the 2nd pack and mas watermelon pa more!  I was thinking if ano ang lasa...
Sinigang?
Matamis ang watermelon, di ba?

After ihalo ang mga gulay, time na husgahan ang sinigang sa watermelon.

Maasim.  Yeah. Maasim.  I wondered san galing ang asim kasi ang alam ko matamis ang watermelon eh.  Pero ang aroma ay aroma ng watermelon talaga.
It was a bit salty for me, maybe kasi dko nilagyan ng madami tubig pang sabaw. It tasted good though.  Weird lang talaga ang amoy kasi amoy watermelon nga - but still, successful naman  siya na sinigang.  Hindi naman siya mapagkunyaring sinigang.  Distinctly watermelon naman siya na taste, hindi mo mapagkakamalan na tamarind.  A very good alternative to perhaps the usual boring taste of the usual tamarind sinigang.
It was a risk pero ok naman pala.  It turned out good.  I still prefer the mango variant though.

UPDATE:
2 of my friends made a comment sa FB ko... na they tried thr watermelon sinigang sa mga sikat na mamahaling resto.  This is even good news. Dahil sa mix na ito, matitikman na ang kakaibang lasa sa bahay mismo.

This is not a paid ad.  Sinishare ko lang kung anong bago sa paningin at panlasa ko na maaaring gusto rin subukan ng iba.

Monday, July 24, 2017

Taste Bud Tickler: 555 Tuna Rice Adobo


Sa mabilis na takbo ng buhay, kelangan ng madaming "instant" fix - lalo na sa gutom. Isa sa naturingan na "instant" food ngayon ang mga canned tuna in different flavors - and well well, this is a new addition to the instant meal that "busy" people long for.

Nabili ko and 555 Tuna Rice Adobo sa SM Hypermarket sa may South Superhighway, Makati.   I forgot the price. I just wanna try it, since favorite ko naman ang tuna.  Inaasahan ko na hindi masarap at maalat ang timple. Well, judgmental lang.  Kebs.
That's the front packaging.  You won't miss it in the grocery - unless perhaps they put it along items that are far different from what it is.  Not very enticing - but the words are big enough for you to know that this is instant gratification for the empty stomach.

The flipside has the instructions.  Quite easy to follow,  Really easy - living up to the "instant meal" category.  I don't really read labels and nutritional facts - but there it is.   It may be very helpful para sa mga nagddiet.  Though kailangan ko man mag diet - dedma na.  Basta, bet ko siya itry.

So, by now I am sure you want to know how it looks when opened.  Lemme tell you, ang dali buksan. Ang bilis mo ma access ang food kapag tot he highest level na ang gutom mo.  and here it is. 

Yeah, dikit dikit na parang malagkit rice, brown na kulay, maybe dahil sa "sabaw" na naghalo sa kanin.  But when you toss them a bit, you can see the tuna bits.  I soaked aht in hot water coz I wanted a warm (yes, warm) meal.  In any case, warm naman talaga siya when I opened it.  It does not really look enticing.  It looks like a cheap rice na nabibili mo sa palengke na nilagyan ng sabaw.  Ganun.  There is an odd feeling na ampanget ng lasa - kahit di mo pa natitikman.  

In any case, sa unang kagat ko naman -- NOT BAD!  As in, not bad.  
Di naman pala siya maalat as what I expected.  Saktong sakto naman na kanin at ulam in one. Truly an instant meal.  You can taste the usual adobo flavored tuna in can na hinalo mo sa kanin.  It does not really taste like adobo as in adobo na niluluto mo - but hey, this is worth trying!  Kailangan lang muna na ihalo-halo mo muna ang kanin para hindi masyado magmukhang nilagay sa packaging - para naman may illusion na bagong saing.  Maybe - just maybe - it is better to put it in a microwave-friendly container and throw it in the microwave.  Di ko kasi na try - gutom na kasi ako.

The consistency of the rice is not the same as the bagong saing na rice. Para sa mga maselan, maybe this is not for you.  Pero sa di naman choosy sa type ng bigas or kanin - pwedeng pwede.  Di ka naman kasi mageexpect ng jasmine rice type sa isang instameal.  Heller. Ambisyosa.

I was pleasantly surprised with this product. I thought I wouldn't like it.  This is indeed a great instant fix to gutom.  It is worth stacking sa pantry - lalo na sa mga tamad magluto/magsaing.  A great baon alternative para sa lahat ng tao - students, white, blue collar workers - kune pwede pang rainbow collar workers -- pwedeng pwede.

I wonder if may ibang flavor.

Thursday, July 20, 2017

Taste Bud Tickler: Coco Hut's Kare-Kare Pasta

CocoHut in the Bonifacio Stopover in BGC.
Bilang isang karaniwang employee sa isang opisina sa BGC, Taguig - curious ako sa ilang pagkain na abot kaya ng bulsa ng mga katulad kong -- hindi naman mayaman.  Mejo affordable naman ang CocoHut sa may Bonifacio Stopover sa BGC (malapit sa St. Luke's Hospital) --- kapag may sweldo.  Pag wala pang sweldo at mejo CWD - Critical Wallet Days na, wag na lang. 

In any case, may mga konting extra pa naman ako today so I decided to try their Kare-Kare Pasta.

Lemme just tell you though that around 3 weeks ago, kumain na ako ng Kare-Kareng gulay - na luto ko naman.

So, let's go!

May 2 "variants" - if that's what you call them - ng Kare-Kare nila - seafood and lechon kawali.  Though I love seafoods, I ordered lechon kawali.  The order taking is done at the counter.  Pretty cool to note though that you can see the kitchen, how your food is prepared and cooked (without the glass) from the dining area.  I paid a good Php250 - no soda - tubig lang ako.  Ayos na yun.  Remember: Magtipid.

After being handed the receipt and change and the serving number, I was seated and waited for about 10-15 minutes for my food. Yes, it was served hot and steaming. Can't wait!

It is pale orange in color reminds me of Aligue ng alimango.  Kahit di pa ako nakakatikim nun - pero nakikita ko naman na nakabote.  there were a few bits of Lechon Kawali.  Kinda disappointing though kasi sa picture nman malalaki ang nakalagay na Lechon Kawali - pero sa totoong buhay - maliliit lang pala.  May mga bits of bagoong -- oh yeah - ano pa nga ba ang the best partner ng Kare-Kare?! 

Behind my brain I was thinking of a nutty taste - like what Kare-Kare should be. Yung tipong - feeling mo kumakain ka ng peanut sauce sa pasta. Yung lasang - nagaagaw ang alat at ang lasa ng peanuts na nagpapalinamnam sa pagkain.  dagdagan pa ng crunch ng Lechon Kawali.

Nananaginip lang pala ako.  That was just something at the back of my brain.   It tasted ordinary - parang ready-mix sauce Kare-Kare sauce ng Mama Sita or a cheaper version of the powdered mix.  Nothing special, really. Mas masarap pa ang palabok.  Maybe you can try to buy a powdered mix, lagyan mo ng tubig tapos pakuluan then pag mejo thick na ang sauce - ilagay ang cooked pasta - siguro yun na yun mismo.  The nutty Kare-Kare taste is not really dominating the dish.  

Save perhaps for the Lechon Kawali bits and the small bagoong "dots" that they put on - nagkalasa naman siya.  Lemme Tell you though that the Lechon Kawali is not the big chunky, sizzling, crispy kind.  Sapat lang.  Para na rin ako kumain ng sabaw ng cheap Kare-Kare sa kalye na nilagay sa kanin - kaso sa pasta lang pinatong at hinalo. Ganun.

My verdict, #umay.  Your 250 pesos will serve you and a companion.  If you eat it alone, #umay talaga.  Di ko naubos. Malamang ako lang kasi mag isa.  If split nyo ang bill to 125 each, mejo mahal pa rin para sa akin. To cut the long kuda short - hindi siya worth it para sa akin.  Ewan ko lang sa taste bud nyo.  

The Lechon Kawali Kare-Kare pasta tickled my brain - but it really failed to tickle my taste bud.



UPDATE:
Too bad ... this resto is closed. probably there are other branches.