Sa mabilis na takbo ng buhay, kelangan ng madaming "instant" fix - lalo na sa gutom. Isa sa naturingan na "instant" food ngayon ang mga canned tuna in different flavors - and well well, this is a new addition to the instant meal that "busy" people long for.
Nabili ko and 555 Tuna Rice Adobo sa SM Hypermarket sa may South Superhighway, Makati. I forgot the price. I just wanna try it, since favorite ko naman ang tuna. Inaasahan ko na hindi masarap at maalat ang timple. Well, judgmental lang. Kebs.
That's the front packaging. You won't miss it in the grocery - unless perhaps they put it along items that are far different from what it is. Not very enticing - but the words are big enough for you to know that this is instant gratification for the empty stomach.
The flipside has the instructions. Quite easy to follow, Really easy - living up to the "instant meal" category. I don't really read labels and nutritional facts - but there it is. It may be very helpful para sa mga nagddiet. Though kailangan ko man mag diet - dedma na. Basta, bet ko siya itry.
So, by now I am sure you want to know how it looks when opened. Lemme tell you, ang dali buksan. Ang bilis mo ma access ang food kapag tot he highest level na ang gutom mo. and here it is.
Yeah, dikit dikit na parang malagkit rice, brown na kulay, maybe dahil sa "sabaw" na naghalo sa kanin. But when you toss them a bit, you can see the tuna bits. I soaked aht in hot water coz I wanted a warm (yes, warm) meal. In any case, warm naman talaga siya when I opened it. It does not really look enticing. It looks like a cheap rice na nabibili mo sa palengke na nilagyan ng sabaw. Ganun. There is an odd feeling na ampanget ng lasa - kahit di mo pa natitikman.
In any case, sa unang kagat ko naman -- NOT BAD! As in, not bad.
Di naman pala siya maalat as what I expected. Saktong sakto naman na kanin at ulam in one. Truly an instant meal. You can taste the usual adobo flavored tuna in can na hinalo mo sa kanin. It does not really taste like adobo as in adobo na niluluto mo - but hey, this is worth trying! Kailangan lang muna na ihalo-halo mo muna ang kanin para hindi masyado magmukhang nilagay sa packaging - para naman may illusion na bagong saing. Maybe - just maybe - it is better to put it in a microwave-friendly container and throw it in the microwave. Di ko kasi na try - gutom na kasi ako.The consistency of the rice is not the same as the bagong saing na rice. Para sa mga maselan, maybe this is not for you. Pero sa di naman choosy sa type ng bigas or kanin - pwedeng pwede. Di ka naman kasi mageexpect ng jasmine rice type sa isang instameal. Heller. Ambisyosa.
I was pleasantly surprised with this product. I thought I wouldn't like it. This is indeed a great instant fix to gutom. It is worth stacking sa pantry - lalo na sa mga tamad magluto/magsaing. A great baon alternative para sa lahat ng tao - students, white, blue collar workers - kune pwede pang rainbow collar workers -- pwedeng pwede.
I wonder if may ibang flavor.
No comments:
Post a Comment