Monday, May 20, 2019

Building a Travel History through SEA Travel

On a previous post, napagusapan natin kung magkano talaga ang show money kapag nag apply ng VISA sa ibang bansa.  Truth of the matter is, wala naman talaga nakaka alam kung magkano talaga ang minimum requirement.  Ang importante ay proportion ang laman ng banko mo sa duration ng stay mo sa ibang bansa bilang turista.
In any case, may isa pang factor ang dapat na tandaan ng mga nais mag apply ng visa - at itago na lang natin ito sa pangalang - travel history.

Ang travel history ay makikita sa mga tatak ng passport mo.  Makikita na umalis ka ng bansa, at bumalik din naman.  Makikita na ilang araw ka lang nagstay sa ibang bansa, at patunay na wala ka naman nalabag na immigration violations dahil matiwasay kang nakabalik sa bansa mo.
Paano nga ba magkakaroon ng travel history kung mahal ang maging turista sa ibang bansa?

Perhaps the best way to create a good travel history - or sige, the best way to collect tatak sa passpot ay ang mag travel sa mga VISA-free countries for Philippine Passport Holders.  Mejo madami na rin naman mga bansa ang pwedeng puntahan ang mga Philippine Passport holder.  Refer kayo sa list na ito para makita ang mga visa-free entry for Filipino travellers. Malamang ang pinakamadali at pinakamura na pwede nating puntahan na di kelangan ng VISA ay ang mga ASEAN member countries - Thailand, Malaysia, Singapore, Vietnam, Cambodia, Laos, Myanmar, Indonesia, Brunei. 

Book seat sale early.
Madalas may mga seat sale sa mga key cities sa bansang nabanggit kaya mas madali na talaga pumunta.  May mga low-cost carriers na regular na pumupunta sa mga key cities ng mga bansang ASEAN, like sa Ho Chi Minh, Kuala Lumpur, Jakarta, Siem Reap.  Murang mura din ang ticket sa Kota Kinabalu na part ng Malaysia na pinaka mura yata na nakita ko sa seat sale ay Php 1,500 lang - mas mahal pa ang papuntang Mindanao!
Maybe mga 1 year (if meron man) or 8 months ahead pwede ka magbook ng papunta sa ASEAN cities.  Mas maaga mas mabuti kasi mas magkakaroon ka ng time para mag ipon ng pang pocket money.  Sinabi ko sa sa kabilang post, mas OK ang mag travel na walang utang.  Budget na naman kasi ang primary concern ng lahat.  Baka mapamahal masyado.  Hindi naman talaga kapag napaghandaan mo.

More direct flights than ever before.
One good thing about SEA travel aside from the seat sale is that there are many direct flights coming from different parts of the Philippines that go directly to SEA cities.  Dati usually sa Manila lang galing ang mga international flight - so travel is like very expensive para sa mga karaniwang tao.  Ngayon, meron na mga direct flights coming from Cebu, Davao, and if may demand talaga, I'm sure may mga magbubukas pang ibang airports para sa mga SEA direct flights.  Dahil may mga flights na malapit sa mga kababayan sa Vis-Min, of course mas mura na ang airfare - so definitely mas madali na talaga magtravel.

SEA Cities are not very expensive.
Tama. Hindi masyado mahal ang mga bilihin sa mga SEA Cities - maliban na lang siguro sa Singapore.  Pero kasi, if paiiralin mo ang ugaling pinoy na matipid, do maarte, di choosy sa food - makakamura at makakatipid ka talaga.  
Sa accommodation, stay in a hostel instead of hotel.  Sa hostel kasi shared room, mga bunk beds lang at minsan may makakasama kang ibang mga lahi.  Shared and bathroom, pero sure naman na malinis -- well -- maybe look for reviews sa mga hostel para makakita ka ng siguradong malinis na bathroom.  
Sa food, you can go street food, or convenience store food.  Not really a bad idea.  Street food kasi mura pero nakakabusog and of course, authentic experience.  Careful ka nga lang saan bibili kasi baka sumama ang tiyan mo.  Mahirap magkasakit sa ibang bansa.  Other best options are cheap restos and specialty stores.
Transpo expenses - lakad.  Lakad lang talaga para makatipid.  If ayaw mo maglakad, take public transport - like mga bus at mga tren, or maybe rent a bike.  
For tours, take group tours instead of private tours.  Mas mura naman ang group tours eh.  May makikilala ka ring ibang lahi.  Pwede naman na mag picture picture ka sa paligid if gusto mo - wala naman pumipigil (except na lang if bawal sa pinuntahan nyong tourist attraction).  Pwede rin naman di na kumuha ng tour at magsarili na lang na punta sa mga tourist spot.  If you want to learn the history of the place --- makinig ka na lang sa tour guide ng mga naggroup tours. Di na naman sasawayin.  Better yet - magresearch ka if may mga tourist attraction na free entrance - and usually mga museums.

Interland Travel will work for you too!
May mga bansa sa SEA na dikit dikit at bus lang ang sasakyan eh international travel na agad ang dating!  Pretty much like - kayang kaya mo tawirin ang Vietnam papunta Cambodia na nakasakay lang sa bus - tapos tatawid ka rin ng Thailand mula Cambodia.  Sa isang international trip pa lang - tatlong tatak na agad yun sa passport ng 3 bansa!  Di ko rin masabi na tipid siya, pero may mga konting hacks naman para magawayan - kagaya ng pagsakay ng mga overnight bus para makatipid sa hotel accommodation, kagaya nung ginawa namin from Cambodia to Vietnam.  Para di na magbayad sa hotel, night bus/sleeper bus ang sinakyan namin so basically gabi ang biyahe at tulog ka lang sa buong biyahe.  Pagkagising mo, nasa destination ka na at start na agad ng pamamasyal.

ALWAYS Check your Passport.
Sad lang para sa iba dahil hindi tumitingin sa expiration ng passports nila - ang ending, less than 6 months na lang mageexpire na ang passport nila.  It is a must that everyone should always check the expiration date ng passport or else - hindi ka papapasukin sa bansang pupuntahan mo - be it SEA or any other country.  If mga 1 year prior ka bibili ng ticket thru seat sale, then mga 1 year din bago mag expire ng passport mo magpa appointment ka na - alam nyo naman gaano kahirap magpa appointment sa Pilipinas.  Lahat ng pinagiipunan mo, lahat ng excitement mo mawawalang saysay lang if less than 6 months na lang mageexpire na ang passport mo dahil di ka rin papapasukin.  I can't stress how important it is.

Don't You Dare Overstay.
Of course! wag na wag mo gawin yan or else ampanget na ng travel history mo.  Kaya ka nga nagsisimula sa Visa-free countries dahil gusto mo mag build up ng magandang travel history at travel record tapos mag ooverstay ka?!  
Para sa ating hindi naman afford ang luxurious travel, sapat na ang 3 to 5 days na bakasyon sa ibang bansa - at di na hihigit pa doon.  Mahirap na magextend pa, dahil aside from the gastos, mahirap na baka ma-overstay.  Besides, if goal mo lang din naman mag check ng bucketlist kagaya ng pagpunta sa Angkot Wat para mag feeling Angelina Jolie, di naman kelangan 1 month ka doon para may Tomb Raider feels.  A little experience of culture and people is enough para magexpand ang horizons mo - at of course, makaexperience ng pagtawid ng immigration sa Pilipinas at sa ibang bansa.

How much ang budget?
Again, depende sa iyo magkano ang kaya mo ipunin. In 2017, nakapagtravel ako at kasama ko sa Vietnam at Cambodia gamit ang 30K na baon - good for 1 week.  Tipid tipid kami sa pagkain - pero di naman kami nagutom.  2 bansa napuntahan namin.  February kami nag Vietnam - Cambodia nun -- and, the very same year, nakapag Japan din kami for 3 days.  Again, konting tiis at ipon lang.  hindi naman kami milyunaryo para mag splurge sa travel at lalo na hindi kami nangutang para makapagtravel lang.
Anga pangarap na makarating sa ibang bansa for leisure or gala gala lang ay hindi naman instant natutupad para sa mga karaniwang tao kagaya ko.  Kelangan ng matinding pagtitipid, pagiipon, disiplina, research, at diskarte na rin.   If pangarap mo talaga makarating kahit isang bansa lang maliban sa Pilipinas, then try any SEA country.  Ipon ka ng mga kahit 30K lang - mabubuhay ka na in 3 to 5 days - may sobra pa.

Travelling is life changing.  Totoong magiiba ang paningin mo sa mundo - at mararamdaman mong napakaliit mo lang na part ng mundo.  Magandang karanasan ang makihalubilo sa ibang lahi or taga ibang bansa.  Hindi lang SEA ang bansa - merong pang iba, at stepping stone mo lang ang SEA para sa pagbukas pa ng kaisipan mo sa mundo na kelangan ng VISA para pumasok sa bansa nila.

My next goal is Korea on November. 












Sunday, May 19, 2019

Show Money for Visa Application

Oh yes, yan ang pinakamadalas itanong ng mga taong nais magtravel.   Ang bank account ay madalas isa sa mga Visa Application Requirements.  Magkano nga ba?

Pero ang gusto ko muna i-stress sa mga readers ay:  Save before you travel.

Yes - ipon muna bago travel -- at HINDI utang muna bago travel.  Mas masarap sa pakiramdam ang nagttravel ka at pagbalik mo wala kang utang na iniisip.  Mas masarap sa pakiramdam na nagtatravel ka at walang pumupigil sa'yo na magpost ng pictures kung saan saan dahil walang nagiisip na inutang mo ang pinagtravel mo.  Tama? Tama!

Never ko ippromote ang utang muna bago travel - or manghiram ng pera pang show money para makapagtravel.  Hindi ako mayaman o malaki sweldo para magmalaki - but because mas proud ako na nagttravel na pinaghihirapan ko bawat proseso na pinagdadaanan ko na walang financial na tulong ng iba dahil pinagiipunan ko ang layasan.

Anyway - back to the question. Magkano nga ba?

Kelan ka nag open ng Bank Account?
Oh yes, importante yan.  Kelangan mejo may katagalan na ang account mo at may mga activity sa account.  By activity, I mean regular deposits and withdrawals.  Or kahit madalas na deposit lang OK na,  Basta may regular activity.  
pag ang account ay mga 6 mos lang tapos isang malaking halaga agad ang binuhos tapos wala na ibang activity - obvious na yan na for show lang.  Pero if matagal na ang account mo tapos panay ang hulog mo ng pera - at hindi 1 time big time na malaking amount - aba good yan.
Hindi rin maganda ang matagal na nga ang account mo pero mga 1 week or 2 weeks bago ka nag apply o kumuha ng bank statement, may bultong malaking halaga ang hinulog mo.  Obvious - for show.  Malamang makikita yan ng consul at byebye ka na sa pangarap mong VISA.
Para sa akin, safe na ang 1 year na account with regular activity.  Again, regular activity.

Different countries have different cost of living.
Isa sa dapat mo isipin ay ang cost of living ng bansang pupuntahan mo.  Magkano kaya ang average na gagastusin sa isang araw pag nasa bansang gusto mo puntahan?  Pag sinabi mong "sa loob ng isang araw" ibig sabihin, food, transpo at bahay.  Wag mo muna i-consider ang tours mo.  Pagusapan muna ang basic.
Magkaiba ang presyuhan ng mga goods at services sa mga bansa -- ang food sa Vietnam at iba ang presyuhan sa food sa Japan.  Maaaring ang isang pack ng noodles ay equivalent sa Php 50 sa Vietnam, pero sa Japan ay equivalent ito sa $100.  Ang tuktuk sa Cambodia ay pwedeng $20 ang special trip pero ang tren sa Japan maaaring $10 kada sakay at kelangan mo sumakay ng mga 3 beses para mapuntahan ang destination mo.  Magkaiba.  Yan ang una mo dapat alamin pag pupunta ka sa ibang bansa bilang turista, yan ang isipin mo pag nagapply ng VISA.
Isa pang dapat mo siguro iconsider ay kung anong klaseng traveller ka ba - after luxury? budget? mejo mixed?  Pwede ka na ba sa mga dorm or hostel? Kakain ka ba sa fastfood or street food? pwede ka na ba sa tinapay lang? Mga maliliit na bagay lang yan pero it will affect so much sa gastos.

Research and Convert Prices to PHP.
Malamang bago ka umalis, either nagreresearch ka na kung magkano ang mga entrance fees sa mga tourist spots, mga tour packages na inooffer sa bansang pupuntahan mo.  Madaming website ang mapgkukunan mo ng info dito - like tripAdvisor or Trip.com.  Pwede rin sa mga hotel bookings sa Booking,com or mga expereinces sa Klook.
Bago umalis kelangan talaga mag reserach muna at mahalagang hanapin ang option to convert the prices to PHP or Philippine Peso.  Kung walang PHP option, select mo ang USD at iconvert sa PHP.  Bakit?
Converting prices of these things sa peso allows you to create a budget. Alam mo na agad magkano ang itatabi mo para sa trip or magkano iipunin mo.  For sure naman hindi lang 1 day ang mga travel mo, so consider mo ang presyuhan ng lahat ng possible tourist spots na pupuntahan mo sa duration ng stay mo at alamin if may entrance fee, at mga transpo cost - lahat yun i convert mo sa peso.

Maglaan ng allowance at maglaan ng pampasalubong.
Ugaling pinoy.  Pasalubong. Oh yes, factor that in.  Pati shopping at mga unexpected expenses.  Malay mo makakabasag ka ng plato sa hotel or something.  Di mo naman pinapanalangin but you will never know mga incidental expenses.  Kelangan kasama sa budget consideration mo yan.  Be it a fixed peso amount depende sa kaya mo.

This is it.
Itotal mo lahat ng possible expenses mo in the number of days na istay mo sa bansang pupuntahan mo.  Food, transpo, hotel, pasalubong, shopping, incidental expenses.  Then divide mo ito sa number of days na magsstay ka sa bansa.  Magkano ang amount?  Aabot ba ng Php 5,000?
Minsan hindi umaabot ng Php 5,000.  Minsan naman sobra konti.  
So - safe na ba ang Php 5,000 per day spent sa bansang pupuntahan mo para ma approve ang VISA?
Sorry, maybe not.
Sabihin nating - safe amount ang Php 5,000 per day for the actual expenses mo - but for VISA application, idoble mo siya.  Make it Php 10,000 per day.
Ang laki naman.
Di naman masyado.  Kung ako si consul, di ko rin naman iaapprove ang taong sakto lang ang pera sa banko para sa pang araw araw na gastos.  Kelangan mejo safe na makakabalik siya sa bansang pinangakingan niya.
To be honest, wala naman nakaka alam talaga magkano ang tinitingnan nilang amount sa banko para ma approve ka ng VISA.  Ang importante is - proportional ang laman ng banko mo sa number of days na iistay mo sa bansa nila.
Example.  Laman ng banko ko is Php 50,000.00 pero 3 days lang ako sa Japan kunyari.  So, 50K is more than enough for 3 days.  Pero, if 50K lang laman ng banko ko pero 1 month ako sa Japan - di naman kapanipaniwala na kakasya ang 50K sa 1 month.  Sa Pilipinas pwede pa pero tandaan mo - sa Japan ito (or any other country).  Iisipin ni consul - saan ka kukuha ng pera para mabuhay ka ng 1 month?
Make sense?

Personally, Php 10K per day worked for me sa mga naging VISA application ko.  may konting extra pa.  Malaking halaga, oo, pero uubusin mo ba yan lahat sa tour?  Hindi naman siguro.  Personally, hindi ko inuubos yung 10K per day - dahil madalas, 5K lang or less ang gastos sa isang araw.  Ang matitipid mo - pang maintain ng bank account mo at pang show money ulet sa next destination.

Malaking halaga rin naman ang 10K na issave mo per day ng travel mo.  Pero this brings me back to my first point - kelangan pagipunan ang bawat travel.  If gusto mo mag Korea (dahil yan ang uso ngayon), 1 year bago mo plano puntahan pagipunan mo na.  Hindi ora-orada, hindi nangungutang.  Hindi lahat ng nakakapag ibang bansa para magtravel ay mayaman.  Ang ilan ay masinop lang at matiyaga na nagiipon ng pera.