Monday, September 11, 2017

Taste Bud Tickler: Buffy's Ice Cream

Sabado. May craving ako uminom ng  chocomilk - karabao's milk na chocolate flavor na usually nabibili sa Tagaytay or Laguna (Los Banos).
Since wala pasok, my partner and I decided to drive to Tagaytay para bumili ng Chocomilk.
Trapik.
Sabado kasi.
Di na kami umabot ng Tagaytay, sa may Silang lang kami kasi may nakita na kaming pasalubong center sa may gasolinahan.  Bumaba kami at naginquire.  Wala daw sila, pero nirefer kami sa Buddys.
Country feel.  Plastic grasses and flowers and a lot
Of bird houses.
 Ganda ng shop.  Pasalubong center n madaming bird houses sa labas at may mga plastic na flowers.  Kahit plastic lang, effective naman ang country feeling.
Ok. Went straight to  buy their Chocomilk... pero i saw freezers and read na may ice cream daw. Binuksan ko ang isang ice chest and may flavors - ube.classic.pandan. I bought a pint and brought it home.
Pagkatapos mag dinner, tinikman.
Hinusgahan.
Ang kanilang classic flavor.  Masarap. Creamy.
Ang manamisnamis na flavor parang ginuguhitan ang yong dila.  Mga taste bud mo parang naglalaro.
Puting puti ang laman ng isang pint.  Napaka pure tingan.  Walang kung anumang halo sa ice cream nila kaya maeenjoy mo talaga ang flavor. Downside lang is parang masyado siyang "aerated" na madali lang siyang matunaw.  Parang ang bilis na lumambot once na malambot na siya.  Unlike ibang commercial ice cream na minsan ang tigas pa rin niya after a few minutes, ang Buddy's Ice Cream ay hindi ganun.  Nakakagulat lang na sa isang pint na binili ko - bigla na lang - pooof!  kalahati na agad eh naka ilang subo pa ang ako.... 
Teka lang.  Presyo? 
Sa halagang 140 pesos ang isang pint, sasasbihin ng iba na mura.  Sasabihin ng iba na - mahal.  Sasabihin ng iba na kaya naman, sakto lang.  Well, para sa iba di na lang nila titikman.  Bahala ka na sa kakayahan mo kung afford mo ang 140 sa isang pint.
Pero malay mo ba naman dahil sa sobrang sarap, ang isang subo ay katumbas pala ng 3 kutsara - aba, ubos agad talaga.
In any case, masarap naman kasi talaga.
Next assignment naming ay ang Ube at Pandan flavors. 
Best seller gna daw nila ang ice cream.  Mahusgahan nga ang ibang flavors.

No comments:

Post a Comment