Friday, September 22, 2017

Wander: Excited for Japan

Siguro lahat naman nangangarap na makapunta sa ibang bansa - para sa work or para mamasyal, and sigurado ako marami ang gusto pumunta ng Japan.
Pangarap ko kaya makarating dun.
Naranasan ko na ang magpunta sa ibang bansa - di man kagaya ng mga mayayaman or mga travel junkie kungvtawagin nila, pero alam ko na ang pakiramdam na nakaranas ka na ng ibang lugar at kultura.  Yung feeling na - bisita ka sa ibang lugar.
Fortunately, dahil sa patience at pagttyaga, may nahanap akong Cebu Pacific flight na papuntang Narita Airport sa Japan na abot kaya,  at sa dates na pwedeng pwede lumayas.
Book agad! Exciting.
Marami pang dapat gawin.  Ang flight booking ng round trip ticket ay step 1 pa lang.  Nasa step 2 pa lang ako - ang magkolekta ng requirements para sa Japan Visitor Visa.  Madali lang naman ang mga requirements.  Mababasa mo sa website ng embassy ng Japan.
Pero kahit wala pa namang 100% kasiguraduhan, excited pa rin ako.  
3 days lang naman ang itatagal ko dun.
Keber ba.
Experience Japan lang ang habol ko.  At least man lang masasabi kong nakatungtong ako sa isa sa mga makapangyarihan at isa sa mga pinakaaasam na mapuntahan ng karamihan.  That will make it my 2nd "dream county" or "dream city" -- kasi last year naexperience ko ang London.
I will document every step of this trip so I can share and hopefully inspire others to travel. 
Stay tuned.



No comments:

Post a Comment