Matagal ko na talaga gusto makarating ng Japan. Every now and then tumitingin ako ng murang pamasahe - usually thru Cebu Pacific.
Heller. Nasa Manila ako. Kenat be. Hoooray sa mga taga Cebu!
Anyway, September 13, 2017. Nag testing testing ako ng booking to Tokyo (Narita) via Cebu Pacific. Dalawa kami. Round trip. November 22 to November 25. Holiday kasi sa work so pwedeng gumala.
Php 12,396 base fare. Taxes and all add ons (1 baggage pabalik at insurance) total ay Php 18,319. 2 tao na yun.
Booked... pero wala pang bayad. Kinabukasan, naghanap ng 7-eleven pata magbayad. Ayaw pa tanggapin ang booking reference number. Nagpanic na ako kasi mura lang kasi.. so baka macancel pa ang booking. 3 tindahan pinuntahan ko pero di pa rin tinatanggap.
Ang ending - nabayaran through Credit Card. Ayoko sana gamitin card ko pero wala eh...no choice.
So I am officially booked for November 22 to 25.
Take away: always check airline fares by doing mock bookings. Wala naman masama if you book dahil may 24 hour window ka to pay for the booking.
So... as promised, I will share this journey to everyone. Hehehe...
No comments:
Post a Comment