Tuesday, June 19, 2018

7Eleven Pancake





Surprisingly, this is yummy!
Mura pa.
59 pesos ang pancake na may kapiranggot na scrambled eggs and 3 pcs ng bilog na hotdog + isang maliit na pack ng syrup.
Not bad really para sa isang quick brekkie.
Ang pancake itself is tama sa tamis at malambot. Fluffy ba ang dapat na term?
Ang hotdog - lasang Purefoods na masarap. Hindi cheap ang lasa.
Ang itlog - again, kapiranggot lang kaya mejo neglible na. 
Masarap siya ipares sa hot choco nila - brekki na brekkie lang ang dating.  Sa pagka alala ko, pancake + yung large na hot choco ng 7Eleven nasa 99 pesos.
Pwede rin naman tubig na lang ang panulak. Tipid pa. Inarte lang kasi ako nung araw na bumili ako nun.
Anyway, try niyo. Nakakabusog naman siya.
Hindi po ito sponsored... gusto ko lang ishare ang nadiscover ko.  Judgmental ako sa convenience store packed foods kasi... di ko inakala na masarap ang pancake nila.
Push! 
Check out the pics below.
3 pcs pancakes, 3 pcs of round hotdogs and scrambled eggs.

Fluffy pancakes. They are yummy!

I guess they're Purefoods hotdogs. Small but tastes good.

And it comes with a small pack of syrup.

Thursday, June 14, 2018

Next Destination


Maybe isa sa mga pangarap ng mga tao ang makarating sa The Great Wall of China.  Nasa bucket list yata yan ng lahat ng aware kung ano ang structure na yan.
Syemps gusto makarating dun. After ko makarating ng London, may kakaibang feeling nga ang nararamdaman mo pag nakikita at napupuntahan mo ang mga lugar na sa books mo lang nakikita o nababasa.
Well...
Pinaghahandaan yan.
Pinaghahandaan ko na rin ang Great Wall.
Booking ng plane tickets to Beijing, China - check na check na.
Excited.
Dalawa na naman kami magttravel sa February next year.  
Magkano ko naiskor ang tickets - sabihin na nating 7K balikan or 14K balikan para sa aming dalawa na yan.
So - ang aabangan na lang --- magkano magagastos.  Syempre hindi naman lahat ken ken afford ng luxury sa travel.  Marami sa atin nagiipon muna bago lumarga... 
At least step 1 check na.  
Step 2 underway - ipon ng pera.
Step 3 underway - research. 
Basa online.
Nood ng videos.
Ganun. 
Mahaba haba pa ang time.
Isshare ko na lang ang next stage pag nasa ganung stage na... lalo na ang VISA application. Dreaded.
For now.. enjoy enjoy muna magbasa.
Abang abang na lang sa susunod na kabanata.