Masaya na ang usapan sa FB group dahil ang topic ay relate na relate ang madlang mlfreelancers. Exchange ng comments, mga jokes etc. Naglabasan na ng mga katas ng freelancing. Biglang.....
How to po?!
Boom!
Apat ang klase ng reaction.
Una, ang mga Entertainer. Bigyan ng award ang mga nageentertain ng lahat ng mga How To Po. Todo bigay info. Suggestion. Magbasa daw ng posts. Magbukas ng pinned post. Mag google.
After ng How To Po, Ano Po naman.
Entertain pa rin. Welkam na welkam ang lahat ng tanong. Trainer. Expert.
O sige na. Mabait. Taos sa puso ang pag sagot. Mahaba ang pasensya. Salute.
Pangalawa. Dedma. Wala ako nabasa. Lakongpake. Balakajan.
Pangatlo. Mga irita. Mga mabilis na nangwawarla. Bubugbugin agad si How To Po. Salbahe. Salbahe ba talaga?
Baka naman naiirita lang kasi feeling nila wala na sa lugar nanpagtatanong. Anjan na sa FB group pinned post ang mga sagot, di pa magawang magbasa.
May point naman sila di ba?!
Pangapat - mabait sa una tapos sarcastic na sa dulo. Kala mo ambait ng sagot pero sa loobloob naman pala irita na. Ayaw mejo panget agad ang impression... Daanin muna sa patweetums sabay pagtataray sa dulo.
Wala naman masama sa tanong na yan. Very valid na tanong.
Newbie din naman ako at may mga How To Po din ako....pero naman, may idea naman na ako kung ano tong pinasok ko... dahil inalam ko muna bago nagjoin sa group.
Mga noobs jan. Kaway kaway!
Wag ma offend. Wag masyado sensitive ha. Alam naman ng lahat na noob ka, pero do your part din. Hindi lahat nadadaan sa How To Po sa mga posts. Minsan unahin din ang pagresearch at higit sa lahat... Nagjoin ka sa group so siguro naman inalam mo rin muna kahit paano ano ang pinasok mo.
Wala ka talaga idea? Pwes, i google mo.
Sa mga nagwwork na.. Anong klaseng reactor ka?
Sa noobs... Ano say mo.....other than How To Po??!!
No comments:
Post a Comment