Matagal na ako aware sa freelancing. Karaniwang tawag ng mga karaniwang tao ay -- Work from Home. Dito na tayo magkakatalo. Ano nga ba ang idea ng ilang kababayan pag narinig nila ang salitang "Work From Home"?
Narito ang ilan sa mga responses based sa mga nabasa ko sa iba't ibang posts sa facebook group:
"Aaaaah -- ano binibenta mo?" - Tindera. Yes. Tama po. Work from Home equals tindera online. Wag na nating pasosyalin pa as "online seller" dahil tagalog ng seller eh "tindera" pa rin naman ang bagsak. Wala naman masama jan dahil me pera naman talaga sa pagtitinda online. Madami na ang nafeature si Jessica Soho at Korina Sanchez every Sunday ng mga taong yumaman dahil sa pagbebenta online. Work from Home pa rin namang maituturing yun - tama naman. Well sige.
"Hala, yan ba yung nagchchat tapos naghuhubad? Di ba illegal yan?" - Hubadero/hubadera. Nyeta. Giatay na. Cybersex. Juice Colored. Nakakapang init ng ulo di ba?! Tapos pabulong pang sasabihin yan sa kausap - lam mo na -- pagchichismisan ka. Tapos pag lalabas ka ng bahay para may bibilhin --- pagtitinginan ka ng mga mosang shupitbalur. Saraaaap pagtutusukin ng mata, sarap banatin ang bunganga! Pero ang magandang gawin jan ay ---- sampalin sila ng pera! tapos habang naglalakad ka pinapaypay mo ang mga tig 500 at 1000 na bills. Mamatay sa inggit ang mga mahadera at chismosa. Mga ugaling maralitang Pilipino na mahilig sa chismis!
"Anong ginagawa mo, nagkkumpuni ng gamit, nagmamanicure, nagkukulot? bakit wala naman ako nakikitang pumupunta sa bahay nyo at di rin naman kita nakikitang umaalis ng bahay?" - Mga mamsh. Kawawa naman. Hindi ikaw, sila. Yan lang yata alam nilang trabaho. Haaay. Wala naman masama sa mga ganun. Pero, gets nyo?
At syempre - bilang mga legit na online freelancers - ano na lang isasagot?
"Freelancer po ako."
"Ano yun?"
Simula na naman ng mahaba habang paliwanagan. Try mo magpaliwanag ano ang "Virtual Assistant" sa isang karaniwang mamamayang di naggogoogle ng "What is Freelancing?" --- tingnan ko lang kung madali,
Nakakapagod. Kaya misan - OO na lang ang sagot. Or the best na madali maintindihan - nagtuturo ng English sa mga Chinese, Korean, Japanese - kaya sa bahay na lang. Hahaha.
Aminin,
Di man ako tapos ng college, pero di naman domesticated ang utak ko sa mga ganun. Juice colored. I mean.... yeah, mahirap talaga magpaliwanag - at nakakapagod - dahil kahit sumisikat na ang mga online jobs, ang mga karaniwang tao ay wala naman idea sa mga yan. Dagdagan mo pa ng mga napapanood sa TV na wala naman coverage sa mga iba't ibang klase ng online jobs --- at sa totoo lang, mas nakaka agaw pansin ang mga yumaman dahil sa online selling kaya yun ang mas kilala ng masa.
Meron naman jan na mga interested sa online jobs -- pero ang alam nilang online jobs ay mga capcha capcha, mga online surveys, mga MLM or mga afffiliate marketing. Ganun. Legit naman din na kumikita sila online (I mean may ilan na kumita naman talaga sa ganun) pero between what we do and what they do - siguro naman mas masasabi nating, mas OK ang nagbebenta ng sarili --- sariling skills sa mga taong nangangailangan ng skills natin.
So, ano na? Ano na nga ba ang trabaho mo?
In a 1/4 sheet of paper - isulat kung paano mo sinasagot ang tanong na yan.
No comments:
Post a Comment