Nagstart
ako manood ng
mga videos, mag attend ng mga free online trainings about freelancing mga
March. Cellphone lang kasi gamit ko nun. Wala ako laptop - pero may
inaasahan ako bonus sa April at yun ang punterya ko na bilhin pagka receive -
which nabili ko naman.
April
ako naghanap hanap ng clients. Mahirap maghanap
ng clients knowing na madami kalaban sa merkado. Tiyagaan lang talaga.
Confidence. Hanggang nakakuha ako ng client na pumayag sa part
time. Doble work ako for 3 months. US client sa gabi, UK office
work naman sa hapon. Tulog ko nasa 4 or 5 hours lang lagi -- hanggang
nagresign ako....at ngayon habang nagsusulat, naka terminal VL lang ako.
Anyway,
eto ang 1st full week ko working from home na full time:
Tipid - no gastos on food coz no
eat out. Ano food sa bahay yun ang lalamunin
Relax - late ka man
matulog, di pressured bumangon ng maaga dahil kahit di ka maliligo, magbibihis,
magtoothbrush - anjan lang pwede magtrabaho agad
More sound tulog - kahit 5 hours na tulog
lang feeling mo relaxed pa rin dahil wala kang iisiping mallate ka dahil sa
trapik or matagal makasakay or umuulan etc
No Commuting Issues - ano pa iccommute mo sa
loob ng bahay? Therefore, no traffic, no ulan, no init, no bagyo, well di naman
kami bahain dito so walang dating ang baha
Walang
panget sa paligid - naku wala kang makikitang mga asungot. Wala kang makikitang tao na
wala naman ginagawa sayo pero nabbwisit ka sa pagmumukha or naiirita ka sa
boses.. Ganern. Alangan naman na maiirita ako sa cute na animals
Walang
magbabawal manood ng TV or Kdrama! PWEDE PALIPATLIPAT NG CHANNEL! dahil di na
kelangan magpaalam sa Cebu para ilipat ang channel ng TV sa Manila. Wow talaga.
Di na puro news lang ang palabas!
Pwede
kumain -
kahit ano oras. Unli log out para kumain. Kung kaya mo kumain habang nagwwork -
why not?
Walang
asungot na magmomonitor kung ilang oras ka maglalaro ng ML. Nakuuu lang. Masaya.
Hindi
bawal ang music. Juice
colored na lang. Kahit max volume pa habang nagwwork.. Basta lang ba walang
kapitbahay na magrreklamo.
Syempre,
wala na ang mga Critical Wallet days dahil weekly naman ang biyaya. Di ka magaantay
ng 2 weeks tapos mauubos din agad sa bills. Dahil weekly dito e d pwede iba iba
week iba iba babayarang bills para lagi me matira.
Pwede
magyosi habang nagwwork.
Pwede
uminom while nagwwork.
Unli tae sa kubeta. Sa aminin mo man o hindi, ayaw na ayaw mo mag jebs sa office dahil namamahay ang pwet mo. Dagdag mo pa ang maruming CR sa office dahil ewan ko na lang at meron talagang mga di marunong gumamit ng CR. Pero - haaay sarap lang sa feeling na anytime na natatae ka, gora ka lang sa CR agad at solb na. Kahit gaano pa kadumi ang CT ng bahay - success story ka palagi!
OOTD mo ay nakahubad, naka boxer, naka sando at walang paki ang client mo. Well, pwera na lang if may video call ka. Sarap ng nagoopisina ka pero OOTD mo pang bold star di ba?!
Yan pa lang naman naranasan ko for a week. So, gusto mo rin ba mag work from home?
No comments:
Post a Comment