Thursday, September 28, 2017

Wander: My Japan Japan Story

Matagal ko na talaga gusto makarating ng Japan.   Every now and then tumitingin ako ng murang pamasahe - usually thru Cebu Pacific. 
Nalaman ko merong Vanilla Air na airlines na nagooperate papunta Japan but, sa Cebu ito galing.
Heller. Nasa Manila ako.  Kenat be. Hoooray sa mga taga Cebu!
Anyway, September 13, 2017. Nag testing testing ako ng booking to Tokyo (Narita) via Cebu Pacific. Dalawa kami. Round trip.  November 22 to November 25.  Holiday kasi sa work so pwedeng gumala.
Php 12,396 base fare.  Taxes and all add ons (1 baggage pabalik at insurance) total ay Php 18,319. 2 tao na yun.
Booked... pero wala pang bayad. Kinabukasan, naghanap ng 7-eleven pata magbayad.  Ayaw pa tanggapin ang booking reference number.  Nagpanic na ako kasi mura lang kasi.. so baka macancel pa ang booking.  3 tindahan pinuntahan ko pero di pa rin tinatanggap.
Ang ending - nabayaran through Credit Card. Ayoko sana gamitin card ko pero wala eh...no choice.
So I am officially booked for November 22 to 25.

Take away:  always check airline fares by doing mock bookings.  Wala naman masama if you book dahil may 24 hour window ka to pay for the booking.

So... as promised, I will share this journey to everyone. Hehehe...

Friday, September 22, 2017

Wander: Excited for Japan

Siguro lahat naman nangangarap na makapunta sa ibang bansa - para sa work or para mamasyal, and sigurado ako marami ang gusto pumunta ng Japan.
Pangarap ko kaya makarating dun.
Naranasan ko na ang magpunta sa ibang bansa - di man kagaya ng mga mayayaman or mga travel junkie kungvtawagin nila, pero alam ko na ang pakiramdam na nakaranas ka na ng ibang lugar at kultura.  Yung feeling na - bisita ka sa ibang lugar.
Fortunately, dahil sa patience at pagttyaga, may nahanap akong Cebu Pacific flight na papuntang Narita Airport sa Japan na abot kaya,  at sa dates na pwedeng pwede lumayas.
Book agad! Exciting.
Marami pang dapat gawin.  Ang flight booking ng round trip ticket ay step 1 pa lang.  Nasa step 2 pa lang ako - ang magkolekta ng requirements para sa Japan Visitor Visa.  Madali lang naman ang mga requirements.  Mababasa mo sa website ng embassy ng Japan.
Pero kahit wala pa namang 100% kasiguraduhan, excited pa rin ako.  
3 days lang naman ang itatagal ko dun.
Keber ba.
Experience Japan lang ang habol ko.  At least man lang masasabi kong nakatungtong ako sa isa sa mga makapangyarihan at isa sa mga pinakaaasam na mapuntahan ng karamihan.  That will make it my 2nd "dream county" or "dream city" -- kasi last year naexperience ko ang London.
I will document every step of this trip so I can share and hopefully inspire others to travel. 
Stay tuned.



Monday, September 11, 2017

Taste Bud Tickler: Buffy's Ice Cream

Sabado. May craving ako uminom ng  chocomilk - karabao's milk na chocolate flavor na usually nabibili sa Tagaytay or Laguna (Los Banos).
Since wala pasok, my partner and I decided to drive to Tagaytay para bumili ng Chocomilk.
Trapik.
Sabado kasi.
Di na kami umabot ng Tagaytay, sa may Silang lang kami kasi may nakita na kaming pasalubong center sa may gasolinahan.  Bumaba kami at naginquire.  Wala daw sila, pero nirefer kami sa Buddys.
Country feel.  Plastic grasses and flowers and a lot
Of bird houses.
 Ganda ng shop.  Pasalubong center n madaming bird houses sa labas at may mga plastic na flowers.  Kahit plastic lang, effective naman ang country feeling.
Ok. Went straight to  buy their Chocomilk... pero i saw freezers and read na may ice cream daw. Binuksan ko ang isang ice chest and may flavors - ube.classic.pandan. I bought a pint and brought it home.
Pagkatapos mag dinner, tinikman.
Hinusgahan.
Ang kanilang classic flavor.  Masarap. Creamy.
Ang manamisnamis na flavor parang ginuguhitan ang yong dila.  Mga taste bud mo parang naglalaro.
Puting puti ang laman ng isang pint.  Napaka pure tingan.  Walang kung anumang halo sa ice cream nila kaya maeenjoy mo talaga ang flavor. Downside lang is parang masyado siyang "aerated" na madali lang siyang matunaw.  Parang ang bilis na lumambot once na malambot na siya.  Unlike ibang commercial ice cream na minsan ang tigas pa rin niya after a few minutes, ang Buddy's Ice Cream ay hindi ganun.  Nakakagulat lang na sa isang pint na binili ko - bigla na lang - pooof!  kalahati na agad eh naka ilang subo pa ang ako.... 
Teka lang.  Presyo? 
Sa halagang 140 pesos ang isang pint, sasasbihin ng iba na mura.  Sasabihin ng iba na - mahal.  Sasabihin ng iba na kaya naman, sakto lang.  Well, para sa iba di na lang nila titikman.  Bahala ka na sa kakayahan mo kung afford mo ang 140 sa isang pint.
Pero malay mo ba naman dahil sa sobrang sarap, ang isang subo ay katumbas pala ng 3 kutsara - aba, ubos agad talaga.
In any case, masarap naman kasi talaga.
Next assignment naming ay ang Ube at Pandan flavors. 
Best seller gna daw nila ang ice cream.  Mahusgahan nga ang ibang flavors.