Saturday, August 25, 2018

Instant Udon Tantanmen


All the while akala ko yung Udon Miso lang ang nabibili sa grocery... aba me ibang variant pa pala - ang Udon Tantanmen.  
Buy agad ako. Same price at Php 69 lang.
Niluto. Kinain.
Masarap din. Lasang Japanese din. 
Kung ang miso at mejo distinct na miso taste - ito naman iba. Dko naman alam ang ang difference at first pero nung natikman ko - iba nga. Lasa  niya... parang sabaw ng gulay. 
Masarap din naman. Japanese food cravings satisfied.
Check out the pics.

Packaging. Nice. Mamahalin tingnan.






Eto ang nasa loob ng packaging.
Mga condiments sa loob.

Isa sa mga nasa loob. Bilog na flavoring na may mga gulay bits.

The gulay bits ilalagay lang sa ibabaw ng udon noodles.

The rest of the flavoring. May corn bits at meat bits and yung pampalasa ng sabaw.  Ready na lagyan ng hot water - or - yung "normal" na tubig para i microwave.

Nilagyan ko lang ng mineral water tapos pinasok sa microwave ng mga 3 to 4 mins... eto na siya. Ready to eat!

Saturday, August 11, 2018

Instant Udon

Hindi ako fan ng mga noodles like the Japanese Ramen or kahit pansit Lomi.  Hindi ko nga ano ang difference ng mga noodles...basta alam ko noodles sila. Pero alam ko naman na madami ang klase ng noodles jan.
Habang naggrocery sa SM Hypermarket sa Makati, napunta kami sa instant noodles section at nakatihan ko damputin ang bowl ng Udon Miso ng Lucky Me.  Gusto ko kasi ang lasa ng miso soup... very Japanese ang dating.  Sa isip ko, baka lasang Japanese ito.
Sa halagang less than Php80, (Php 69 pala siya) pwede na.  Feeling Japanese na.
So eto na nga.... last weekend, hinusgahan ko na. 
2 ways to cook:
1.  Buhusan ng kumukulong tubig at takpan.
2.  Buhusan ng tubig, i-microwave ng mga 2 to 3 mins.
Pinili ko ang mag microwave.  Binuksan lahat tapos binuhos ang mga seasoning at ibang mga sahog, then nilagyan ko ng tubig, pinasok sa microwave.
Pagkakuha...mainit init pa. Mabango. Nagulat ako may ground meat, may daikon (aka radish). Ang ganda!
Kumuha ako ng chopsticks para feel na feel ang Japanese vibe.
Masarap ang sabaw. Lasang Japanese nga (if you know what I mean)! Lasang sabaw ng miso.  Lasang Ramen.   Pero ano nga ba ang Udon?
Sa tagalog pa, pansit lang din naman siya na mejo mataba konti.  Very firm ang noodles, tipong hindi nagbbreaknor napuputol pag kinukuha mo sa bowl. Masarap ang noodles.  Hindi matamis or maalat ang noodles per se, plain lang... parang kanin... pero paghinigop mo siya kasama ang sabaw, yummy! So yun pala ang udon.
Ang nakakatuwa pa, yung meat bits na kasama, lasang karne talaga.  Masarap. Parang ground pork or beef (i dunno the difference) - pero more likely pork.  Hindi alanganin ang lasa para sa akin.
Pinatikim ko siya sa partner kong pihikan sa pagkain. By pihikan, yung tipong tao na ayaw tumikim ng bagong pagkain.  Aba, nagustuhan niya at sabi bibili daw isa pa next time.
Overall naman, sulit na sa less than 80 pesos. Kesa kumain ako sa Japanese resto... pwedeng pwede na siya pang daily doze of Japanese food...pwede na siya pangtanggal ng cravings.
I am not sure lang if mabibili din to sa ibang grocery store - pero sure ako meron sa SM Hypermarket. Try nyo.
Yan ang actual price sa SM Hypermarket.


Sa malapitan.

Ang layo sa picture!

Ito yung sinasabi kong meat bits. Lasang karne talaga!