Sunday, August 25, 2019

How To Po?!

Masaya na ang usapan sa FB group dahil ang topic ay relate na relate ang madlang mlfreelancers. Exchange ng comments, mga jokes etc. Naglabasan na ng mga katas ng freelancing. Biglang.....
How to po?!
Boom!
Apat ang klase ng reaction.
Una, ang mga Entertainer. Bigyan ng award ang mga nageentertain ng lahat ng mga How To Po. Todo bigay info. Suggestion. Magbasa daw ng posts. Magbukas ng pinned post. Mag google.
After ng How To Po, Ano Po naman.
Entertain pa rin. Welkam na welkam ang lahat ng tanong. Trainer. Expert.
O sige na. Mabait. Taos sa puso ang pag sagot. Mahaba ang pasensya. Salute. 
Pangalawa. Dedma. Wala ako nabasa. Lakongpake. Balakajan.
Pangatlo. Mga irita. Mga mabilis na nangwawarla. Bubugbugin agad si How To Po. Salbahe. Salbahe ba talaga?
Baka naman naiirita lang kasi feeling nila wala na sa lugar nanpagtatanong. Anjan na sa FB group pinned post ang mga sagot, di pa magawang magbasa. 
May point naman sila di ba?!
Pangapat - mabait sa una tapos sarcastic na sa dulo. Kala mo ambait ng sagot pero sa loobloob naman pala irita na. Ayaw mejo panget agad ang impression... Daanin muna sa patweetums sabay pagtataray sa dulo.

Wala naman masama sa tanong na yan.  Very valid na tanong.
Newbie din naman ako at may mga How To Po din ako....pero naman, may idea naman na ako kung ano tong pinasok ko... dahil inalam ko muna bago nagjoin sa group.
Mga noobs jan. Kaway kaway!

Wag ma offend. Wag masyado sensitive ha.  Alam naman ng lahat na noob ka, pero do your part din. Hindi lahat nadadaan sa How To Po sa mga posts. Minsan unahin din ang pagresearch at higit sa lahat... Nagjoin ka sa group so siguro naman inalam mo rin muna kahit paano ano ang pinasok mo. 
Wala ka talaga idea? Pwes, i google mo.

Sa mga nagwwork na.. Anong klaseng reactor ka?

Sa noobs... Ano say mo.....other than How To Po??!! 

Ano Trabaho Mo?


Matagal na ako aware sa freelancing.  Karaniwang tawag ng mga karaniwang tao ay -- Work from Home.  Dito na tayo magkakatalo.  Ano nga ba ang idea ng ilang kababayan pag narinig nila ang salitang "Work From Home"?

Narito ang ilan sa mga responses based sa mga nabasa ko sa iba't ibang posts sa facebook group:

"Aaaaah -- ano binibenta mo?" - Tindera.  Yes. Tama po.  Work from Home equals tindera online.  Wag na nating pasosyalin pa as "online seller" dahil tagalog ng seller eh "tindera" pa rin naman ang bagsak.  Wala naman masama jan dahil me pera naman talaga sa pagtitinda online.  Madami na ang nafeature si Jessica Soho at Korina Sanchez every Sunday ng mga taong yumaman dahil sa pagbebenta online.  Work from Home pa rin namang maituturing yun - tama naman.  Well sige.  

"Hala, yan ba yung nagchchat tapos naghuhubad? Di ba illegal yan?" - Hubadero/hubadera.  Nyeta. Giatay na.  Cybersex.  Juice Colored.  Nakakapang init ng ulo di ba?!  Tapos pabulong pang sasabihin yan sa kausap - lam mo na -- pagchichismisan ka.  Tapos pag lalabas ka ng bahay para may bibilhin --- pagtitinginan ka ng mga mosang shupitbalur.  Saraaaap pagtutusukin ng mata, sarap banatin ang bunganga!  Pero ang magandang gawin jan ay ---- sampalin sila ng pera!  tapos habang naglalakad ka pinapaypay mo ang mga tig 500 at 1000 na bills.  Mamatay sa inggit ang mga mahadera at chismosa.  Mga ugaling maralitang Pilipino na mahilig sa chismis!

"Anong ginagawa mo, nagkkumpuni ng gamit, nagmamanicure, nagkukulot? bakit wala naman ako nakikitang pumupunta sa bahay nyo at di rin naman kita nakikitang umaalis ng bahay?" - Mga mamsh.  Kawawa naman.  Hindi ikaw, sila.  Yan lang yata alam nilang trabaho.  Haaay.  Wala naman masama sa mga ganun.  Pero, gets nyo?

At syempre - bilang mga legit na online freelancers - ano na lang isasagot?

"Freelancer po ako."

"Ano yun?"

Simula na naman ng mahaba habang paliwanagan.  Try mo magpaliwanag ano ang "Virtual Assistant" sa isang karaniwang mamamayang di naggogoogle ng "What is Freelancing?" --- tingnan ko lang kung madali,
Nakakapagod.  Kaya misan - OO na lang ang sagot.  Or the best na madali maintindihan - nagtuturo ng English sa mga Chinese, Korean, Japanese - kaya sa bahay na lang. Hahaha.
Aminin,

Di man ako tapos ng college, pero di naman domesticated ang utak ko sa mga ganun.  Juice colored.  I mean.... yeah, mahirap talaga magpaliwanag - at nakakapagod - dahil kahit sumisikat na ang mga online jobs, ang mga karaniwang tao ay wala naman idea sa mga yan.  Dagdagan mo pa ng mga napapanood sa TV na wala naman coverage sa mga iba't ibang klase ng online jobs --- at sa totoo lang, mas nakaka agaw pansin ang mga yumaman dahil sa online selling kaya yun ang mas kilala ng masa.

Meron naman jan na mga interested sa online jobs -- pero ang alam nilang online jobs ay mga capcha capcha, mga online surveys, mga MLM or mga afffiliate marketing.  Ganun.  Legit naman din na kumikita sila online (I mean may ilan na kumita naman talaga sa ganun) pero between what we do and what they do - siguro naman mas masasabi nating, mas OK ang nagbebenta ng sarili --- sariling skills sa mga taong nangangailangan ng skills natin.  

So, ano na?  Ano na nga ba ang trabaho mo? 

In a 1/4 sheet of paper - isulat kung paano mo sinasagot ang tanong na yan.


Saturday, August 24, 2019

My First Full Week as a Full Time Freelancer


Nauuso ang Work From Home jobs.  Madami kasing mga platforms na makakahanap ka ng mga trabaho na di kelangan umalis sa bahay - at mind you, hindi sila mga capcha capcha o mga scam.  Totoong mga work from home ito!



Nagstart ako manood ng mga videos, mag attend ng mga free online trainings about freelancing mga March.  Cellphone lang kasi gamit ko nun.  Wala ako laptop - pero may inaasahan ako bonus sa April at yun ang punterya ko na bilhin pagka receive - which nabili ko naman.



April ako naghanap hanap ng clients.  Mahirap maghanap ng clients knowing na madami kalaban sa merkado.  Tiyagaan lang talaga. Confidence.  Hanggang nakakuha ako ng client na pumayag sa part time.  Doble work ako for 3 months.  US client sa gabi, UK office work naman sa hapon.  Tulog ko nasa 4 or 5 hours lang lagi -- hanggang nagresign ako....at ngayon habang nagsusulat, naka terminal VL lang ako.



Anyway, eto ang 1st full week ko working from home na full time: 



Tipid - no gastos on food coz no eat out. Ano food sa bahay yun ang lalamunin



Relax - late ka man matulog, di pressured bumangon ng maaga dahil kahit di ka maliligo, magbibihis, magtoothbrush - anjan lang pwede magtrabaho agad



More sound tulog - kahit 5 hours na tulog lang feeling mo relaxed pa rin dahil wala kang iisiping mallate ka dahil sa trapik or matagal makasakay or umuulan etc



No Commuting Issues - ano pa iccommute mo sa loob ng bahay? Therefore, no traffic, no ulan, no init, no bagyo, well di naman kami bahain dito so walang dating ang baha



Walang panget sa paligid - naku wala kang makikitang mga asungot. Wala kang makikitang tao na wala naman ginagawa sayo pero nabbwisit ka sa pagmumukha or naiirita ka sa boses.. Ganern. Alangan naman na maiirita ako sa cute na animals



Walang magbabawal manood ng TV or Kdrama! PWEDE PALIPATLIPAT NG CHANNEL! dahil di na kelangan magpaalam sa Cebu para ilipat ang channel ng TV sa Manila. Wow talaga. Di na puro news lang ang palabas!



Pwede kumain - kahit ano oras. Unli log out para kumain. Kung kaya mo kumain habang nagwwork - why not?




Walang asungot na magmomonitor kung ilang oras ka maglalaro ng ML. Nakuuu lang. Masaya.



Hindi bawal ang music. Juice colored na lang. Kahit max volume pa habang nagwwork.. Basta lang ba walang kapitbahay na magrreklamo.



Syempre, wala na ang mga Critical Wallet days dahil weekly naman ang biyaya. Di ka magaantay ng 2 weeks tapos mauubos din agad sa bills. Dahil weekly dito e d pwede iba iba week iba iba babayarang bills para lagi me matira.



Pwede magyosi habang nagwwork.



Pwede uminom while nagwwork.

Unli tae sa kubeta. Sa aminin mo man o hindi, ayaw na ayaw mo mag jebs sa office dahil namamahay ang pwet mo.  Dagdag mo pa ang maruming CR sa office dahil ewan ko na lang at meron talagang mga di marunong gumamit ng CR.  Pero - haaay sarap lang sa feeling na anytime na natatae ka, gora ka lang sa CR agad at solb na.  Kahit gaano pa kadumi ang CT ng bahay - success story ka palagi!

OOTD mo ay nakahubad, naka boxer, naka sando at walang paki ang client mo.  Well, pwera na lang if may video call ka.  Sarap ng nagoopisina ka pero OOTD mo pang bold star di ba?!

Yan pa lang naman naranasan ko for a week.  So, gusto mo rin ba mag work from home?