Saturday, August 24, 2019

My First Full Week as a Full Time Freelancer


Nauuso ang Work From Home jobs.  Madami kasing mga platforms na makakahanap ka ng mga trabaho na di kelangan umalis sa bahay - at mind you, hindi sila mga capcha capcha o mga scam.  Totoong mga work from home ito!



Nagstart ako manood ng mga videos, mag attend ng mga free online trainings about freelancing mga March.  Cellphone lang kasi gamit ko nun.  Wala ako laptop - pero may inaasahan ako bonus sa April at yun ang punterya ko na bilhin pagka receive - which nabili ko naman.



April ako naghanap hanap ng clients.  Mahirap maghanap ng clients knowing na madami kalaban sa merkado.  Tiyagaan lang talaga. Confidence.  Hanggang nakakuha ako ng client na pumayag sa part time.  Doble work ako for 3 months.  US client sa gabi, UK office work naman sa hapon.  Tulog ko nasa 4 or 5 hours lang lagi -- hanggang nagresign ako....at ngayon habang nagsusulat, naka terminal VL lang ako.



Anyway, eto ang 1st full week ko working from home na full time: 



Tipid - no gastos on food coz no eat out. Ano food sa bahay yun ang lalamunin



Relax - late ka man matulog, di pressured bumangon ng maaga dahil kahit di ka maliligo, magbibihis, magtoothbrush - anjan lang pwede magtrabaho agad



More sound tulog - kahit 5 hours na tulog lang feeling mo relaxed pa rin dahil wala kang iisiping mallate ka dahil sa trapik or matagal makasakay or umuulan etc



No Commuting Issues - ano pa iccommute mo sa loob ng bahay? Therefore, no traffic, no ulan, no init, no bagyo, well di naman kami bahain dito so walang dating ang baha



Walang panget sa paligid - naku wala kang makikitang mga asungot. Wala kang makikitang tao na wala naman ginagawa sayo pero nabbwisit ka sa pagmumukha or naiirita ka sa boses.. Ganern. Alangan naman na maiirita ako sa cute na animals



Walang magbabawal manood ng TV or Kdrama! PWEDE PALIPATLIPAT NG CHANNEL! dahil di na kelangan magpaalam sa Cebu para ilipat ang channel ng TV sa Manila. Wow talaga. Di na puro news lang ang palabas!



Pwede kumain - kahit ano oras. Unli log out para kumain. Kung kaya mo kumain habang nagwwork - why not?




Walang asungot na magmomonitor kung ilang oras ka maglalaro ng ML. Nakuuu lang. Masaya.



Hindi bawal ang music. Juice colored na lang. Kahit max volume pa habang nagwwork.. Basta lang ba walang kapitbahay na magrreklamo.



Syempre, wala na ang mga Critical Wallet days dahil weekly naman ang biyaya. Di ka magaantay ng 2 weeks tapos mauubos din agad sa bills. Dahil weekly dito e d pwede iba iba week iba iba babayarang bills para lagi me matira.



Pwede magyosi habang nagwwork.



Pwede uminom while nagwwork.

Unli tae sa kubeta. Sa aminin mo man o hindi, ayaw na ayaw mo mag jebs sa office dahil namamahay ang pwet mo.  Dagdag mo pa ang maruming CR sa office dahil ewan ko na lang at meron talagang mga di marunong gumamit ng CR.  Pero - haaay sarap lang sa feeling na anytime na natatae ka, gora ka lang sa CR agad at solb na.  Kahit gaano pa kadumi ang CT ng bahay - success story ka palagi!

OOTD mo ay nakahubad, naka boxer, naka sando at walang paki ang client mo.  Well, pwera na lang if may video call ka.  Sarap ng nagoopisina ka pero OOTD mo pang bold star di ba?!

Yan pa lang naman naranasan ko for a week.  So, gusto mo rin ba mag work from home?




Thursday, July 25, 2019

Jump into the Unknown

For the past 10 or more years, I have been a slave to the corporate world - if you call BPOs as a corporate world.  Most people do not really treat the BPO industry as 'corporate' - I don't know for what reason - but let's just keep it as it is.
My point is, I go to work, I go to an office to earn a living.
I have officemates, co-workers, colleagues - whatever you want to call them.  I have a boss, a super boss, my boss's boss and all other ranks higher than my position in the office.
I belong to the "hemline" in the corporate world - a mere rank and file who "faces" customers.
Life is routinary.  I work, I go home, I sleep - and the same cycle again the following day.  On weekdays, I look forward to weekends, and on Sundays, I dread when the clock strikes 12 midnight because it is Monday again.
I'm sure a lot of people can relate to that situation.
About 3 or 4 months ago, I decided to make use of my free time after office hours to be productive and become time spent to earn instead of watching Korean dramas and series.  I bumped into the freelancing world where my office colleagues shared success stories from different people who are into freelancing.
Jump.
I jumped into the bandwagon - if this is called a bandwagon.
I started to join free online seminars and joined Facebook groups dedicated to freelancers, and I became a silent lurker - reading posts and envying on those success stories of people who were into it ahead of me.
I created an Upwork profile - and was rejected - and found ways to be approved and finally got in.
I applied for different job posts and got no replies.
I tried.
2 months.
Out of boredom and a little desperation, I applied into a Virtual Assistant job - well - in lay man's term - an online secretary.  You all know what a secretary does.
I took advantage of the skill I learned from my BPO experience and created a simple, out-of boredom application letter (or in freelancing, we call it "proposal").
I got a spot for an interview.  I got the job. 
The day after my interview - I started my first freelance job as an Assistant.
A few months on - I am still working for the same client.  Same job. 
I am still employed at the moment.  Oh yes, double job.
Worth it?
Yes. And no.
Yes - I needed to choose one.
I let go of the corporate world.
I choose you - online job.
This world is literally unknown to me. I do not know what to expect after 6 months, 10 months, in December, next year - everything is a blur.
I keep thoughts of those success stories I read on those Facebook pages I joined related to this field. I am hoping that their success story will also become my success story.
This is my unknown at the moment.
But I choose to jump into the unknown.
For the first time in my life, I feel like I am doing something that I do know about - and all I have are hopes and aspirations of becoming successful.
I know I will, I know I can - and I claim it.
On August 14, I will walk the halls of my office for the last time.  My next office is my humble abode.
My freelancing journey will officially begin.

Monday, May 20, 2019

Building a Travel History through SEA Travel

On a previous post, napagusapan natin kung magkano talaga ang show money kapag nag apply ng VISA sa ibang bansa.  Truth of the matter is, wala naman talaga nakaka alam kung magkano talaga ang minimum requirement.  Ang importante ay proportion ang laman ng banko mo sa duration ng stay mo sa ibang bansa bilang turista.
In any case, may isa pang factor ang dapat na tandaan ng mga nais mag apply ng visa - at itago na lang natin ito sa pangalang - travel history.

Ang travel history ay makikita sa mga tatak ng passport mo.  Makikita na umalis ka ng bansa, at bumalik din naman.  Makikita na ilang araw ka lang nagstay sa ibang bansa, at patunay na wala ka naman nalabag na immigration violations dahil matiwasay kang nakabalik sa bansa mo.
Paano nga ba magkakaroon ng travel history kung mahal ang maging turista sa ibang bansa?

Perhaps the best way to create a good travel history - or sige, the best way to collect tatak sa passpot ay ang mag travel sa mga VISA-free countries for Philippine Passport Holders.  Mejo madami na rin naman mga bansa ang pwedeng puntahan ang mga Philippine Passport holder.  Refer kayo sa list na ito para makita ang mga visa-free entry for Filipino travellers. Malamang ang pinakamadali at pinakamura na pwede nating puntahan na di kelangan ng VISA ay ang mga ASEAN member countries - Thailand, Malaysia, Singapore, Vietnam, Cambodia, Laos, Myanmar, Indonesia, Brunei. 

Book seat sale early.
Madalas may mga seat sale sa mga key cities sa bansang nabanggit kaya mas madali na talaga pumunta.  May mga low-cost carriers na regular na pumupunta sa mga key cities ng mga bansang ASEAN, like sa Ho Chi Minh, Kuala Lumpur, Jakarta, Siem Reap.  Murang mura din ang ticket sa Kota Kinabalu na part ng Malaysia na pinaka mura yata na nakita ko sa seat sale ay Php 1,500 lang - mas mahal pa ang papuntang Mindanao!
Maybe mga 1 year (if meron man) or 8 months ahead pwede ka magbook ng papunta sa ASEAN cities.  Mas maaga mas mabuti kasi mas magkakaroon ka ng time para mag ipon ng pang pocket money.  Sinabi ko sa sa kabilang post, mas OK ang mag travel na walang utang.  Budget na naman kasi ang primary concern ng lahat.  Baka mapamahal masyado.  Hindi naman talaga kapag napaghandaan mo.

More direct flights than ever before.
One good thing about SEA travel aside from the seat sale is that there are many direct flights coming from different parts of the Philippines that go directly to SEA cities.  Dati usually sa Manila lang galing ang mga international flight - so travel is like very expensive para sa mga karaniwang tao.  Ngayon, meron na mga direct flights coming from Cebu, Davao, and if may demand talaga, I'm sure may mga magbubukas pang ibang airports para sa mga SEA direct flights.  Dahil may mga flights na malapit sa mga kababayan sa Vis-Min, of course mas mura na ang airfare - so definitely mas madali na talaga magtravel.

SEA Cities are not very expensive.
Tama. Hindi masyado mahal ang mga bilihin sa mga SEA Cities - maliban na lang siguro sa Singapore.  Pero kasi, if paiiralin mo ang ugaling pinoy na matipid, do maarte, di choosy sa food - makakamura at makakatipid ka talaga.  
Sa accommodation, stay in a hostel instead of hotel.  Sa hostel kasi shared room, mga bunk beds lang at minsan may makakasama kang ibang mga lahi.  Shared and bathroom, pero sure naman na malinis -- well -- maybe look for reviews sa mga hostel para makakita ka ng siguradong malinis na bathroom.  
Sa food, you can go street food, or convenience store food.  Not really a bad idea.  Street food kasi mura pero nakakabusog and of course, authentic experience.  Careful ka nga lang saan bibili kasi baka sumama ang tiyan mo.  Mahirap magkasakit sa ibang bansa.  Other best options are cheap restos and specialty stores.
Transpo expenses - lakad.  Lakad lang talaga para makatipid.  If ayaw mo maglakad, take public transport - like mga bus at mga tren, or maybe rent a bike.  
For tours, take group tours instead of private tours.  Mas mura naman ang group tours eh.  May makikilala ka ring ibang lahi.  Pwede naman na mag picture picture ka sa paligid if gusto mo - wala naman pumipigil (except na lang if bawal sa pinuntahan nyong tourist attraction).  Pwede rin naman di na kumuha ng tour at magsarili na lang na punta sa mga tourist spot.  If you want to learn the history of the place --- makinig ka na lang sa tour guide ng mga naggroup tours. Di na naman sasawayin.  Better yet - magresearch ka if may mga tourist attraction na free entrance - and usually mga museums.

Interland Travel will work for you too!
May mga bansa sa SEA na dikit dikit at bus lang ang sasakyan eh international travel na agad ang dating!  Pretty much like - kayang kaya mo tawirin ang Vietnam papunta Cambodia na nakasakay lang sa bus - tapos tatawid ka rin ng Thailand mula Cambodia.  Sa isang international trip pa lang - tatlong tatak na agad yun sa passport ng 3 bansa!  Di ko rin masabi na tipid siya, pero may mga konting hacks naman para magawayan - kagaya ng pagsakay ng mga overnight bus para makatipid sa hotel accommodation, kagaya nung ginawa namin from Cambodia to Vietnam.  Para di na magbayad sa hotel, night bus/sleeper bus ang sinakyan namin so basically gabi ang biyahe at tulog ka lang sa buong biyahe.  Pagkagising mo, nasa destination ka na at start na agad ng pamamasyal.

ALWAYS Check your Passport.
Sad lang para sa iba dahil hindi tumitingin sa expiration ng passports nila - ang ending, less than 6 months na lang mageexpire na ang passport nila.  It is a must that everyone should always check the expiration date ng passport or else - hindi ka papapasukin sa bansang pupuntahan mo - be it SEA or any other country.  If mga 1 year prior ka bibili ng ticket thru seat sale, then mga 1 year din bago mag expire ng passport mo magpa appointment ka na - alam nyo naman gaano kahirap magpa appointment sa Pilipinas.  Lahat ng pinagiipunan mo, lahat ng excitement mo mawawalang saysay lang if less than 6 months na lang mageexpire na ang passport mo dahil di ka rin papapasukin.  I can't stress how important it is.

Don't You Dare Overstay.
Of course! wag na wag mo gawin yan or else ampanget na ng travel history mo.  Kaya ka nga nagsisimula sa Visa-free countries dahil gusto mo mag build up ng magandang travel history at travel record tapos mag ooverstay ka?!  
Para sa ating hindi naman afford ang luxurious travel, sapat na ang 3 to 5 days na bakasyon sa ibang bansa - at di na hihigit pa doon.  Mahirap na magextend pa, dahil aside from the gastos, mahirap na baka ma-overstay.  Besides, if goal mo lang din naman mag check ng bucketlist kagaya ng pagpunta sa Angkot Wat para mag feeling Angelina Jolie, di naman kelangan 1 month ka doon para may Tomb Raider feels.  A little experience of culture and people is enough para magexpand ang horizons mo - at of course, makaexperience ng pagtawid ng immigration sa Pilipinas at sa ibang bansa.

How much ang budget?
Again, depende sa iyo magkano ang kaya mo ipunin. In 2017, nakapagtravel ako at kasama ko sa Vietnam at Cambodia gamit ang 30K na baon - good for 1 week.  Tipid tipid kami sa pagkain - pero di naman kami nagutom.  2 bansa napuntahan namin.  February kami nag Vietnam - Cambodia nun -- and, the very same year, nakapag Japan din kami for 3 days.  Again, konting tiis at ipon lang.  hindi naman kami milyunaryo para mag splurge sa travel at lalo na hindi kami nangutang para makapagtravel lang.
Anga pangarap na makarating sa ibang bansa for leisure or gala gala lang ay hindi naman instant natutupad para sa mga karaniwang tao kagaya ko.  Kelangan ng matinding pagtitipid, pagiipon, disiplina, research, at diskarte na rin.   If pangarap mo talaga makarating kahit isang bansa lang maliban sa Pilipinas, then try any SEA country.  Ipon ka ng mga kahit 30K lang - mabubuhay ka na in 3 to 5 days - may sobra pa.

Travelling is life changing.  Totoong magiiba ang paningin mo sa mundo - at mararamdaman mong napakaliit mo lang na part ng mundo.  Magandang karanasan ang makihalubilo sa ibang lahi or taga ibang bansa.  Hindi lang SEA ang bansa - merong pang iba, at stepping stone mo lang ang SEA para sa pagbukas pa ng kaisipan mo sa mundo na kelangan ng VISA para pumasok sa bansa nila.

My next goal is Korea on November. 












Sunday, May 19, 2019

Show Money for Visa Application

Oh yes, yan ang pinakamadalas itanong ng mga taong nais magtravel.   Ang bank account ay madalas isa sa mga Visa Application Requirements.  Magkano nga ba?

Pero ang gusto ko muna i-stress sa mga readers ay:  Save before you travel.

Yes - ipon muna bago travel -- at HINDI utang muna bago travel.  Mas masarap sa pakiramdam ang nagttravel ka at pagbalik mo wala kang utang na iniisip.  Mas masarap sa pakiramdam na nagtatravel ka at walang pumupigil sa'yo na magpost ng pictures kung saan saan dahil walang nagiisip na inutang mo ang pinagtravel mo.  Tama? Tama!

Never ko ippromote ang utang muna bago travel - or manghiram ng pera pang show money para makapagtravel.  Hindi ako mayaman o malaki sweldo para magmalaki - but because mas proud ako na nagttravel na pinaghihirapan ko bawat proseso na pinagdadaanan ko na walang financial na tulong ng iba dahil pinagiipunan ko ang layasan.

Anyway - back to the question. Magkano nga ba?

Kelan ka nag open ng Bank Account?
Oh yes, importante yan.  Kelangan mejo may katagalan na ang account mo at may mga activity sa account.  By activity, I mean regular deposits and withdrawals.  Or kahit madalas na deposit lang OK na,  Basta may regular activity.  
pag ang account ay mga 6 mos lang tapos isang malaking halaga agad ang binuhos tapos wala na ibang activity - obvious na yan na for show lang.  Pero if matagal na ang account mo tapos panay ang hulog mo ng pera - at hindi 1 time big time na malaking amount - aba good yan.
Hindi rin maganda ang matagal na nga ang account mo pero mga 1 week or 2 weeks bago ka nag apply o kumuha ng bank statement, may bultong malaking halaga ang hinulog mo.  Obvious - for show.  Malamang makikita yan ng consul at byebye ka na sa pangarap mong VISA.
Para sa akin, safe na ang 1 year na account with regular activity.  Again, regular activity.

Different countries have different cost of living.
Isa sa dapat mo isipin ay ang cost of living ng bansang pupuntahan mo.  Magkano kaya ang average na gagastusin sa isang araw pag nasa bansang gusto mo puntahan?  Pag sinabi mong "sa loob ng isang araw" ibig sabihin, food, transpo at bahay.  Wag mo muna i-consider ang tours mo.  Pagusapan muna ang basic.
Magkaiba ang presyuhan ng mga goods at services sa mga bansa -- ang food sa Vietnam at iba ang presyuhan sa food sa Japan.  Maaaring ang isang pack ng noodles ay equivalent sa Php 50 sa Vietnam, pero sa Japan ay equivalent ito sa $100.  Ang tuktuk sa Cambodia ay pwedeng $20 ang special trip pero ang tren sa Japan maaaring $10 kada sakay at kelangan mo sumakay ng mga 3 beses para mapuntahan ang destination mo.  Magkaiba.  Yan ang una mo dapat alamin pag pupunta ka sa ibang bansa bilang turista, yan ang isipin mo pag nagapply ng VISA.
Isa pang dapat mo siguro iconsider ay kung anong klaseng traveller ka ba - after luxury? budget? mejo mixed?  Pwede ka na ba sa mga dorm or hostel? Kakain ka ba sa fastfood or street food? pwede ka na ba sa tinapay lang? Mga maliliit na bagay lang yan pero it will affect so much sa gastos.

Research and Convert Prices to PHP.
Malamang bago ka umalis, either nagreresearch ka na kung magkano ang mga entrance fees sa mga tourist spots, mga tour packages na inooffer sa bansang pupuntahan mo.  Madaming website ang mapgkukunan mo ng info dito - like tripAdvisor or Trip.com.  Pwede rin sa mga hotel bookings sa Booking,com or mga expereinces sa Klook.
Bago umalis kelangan talaga mag reserach muna at mahalagang hanapin ang option to convert the prices to PHP or Philippine Peso.  Kung walang PHP option, select mo ang USD at iconvert sa PHP.  Bakit?
Converting prices of these things sa peso allows you to create a budget. Alam mo na agad magkano ang itatabi mo para sa trip or magkano iipunin mo.  For sure naman hindi lang 1 day ang mga travel mo, so consider mo ang presyuhan ng lahat ng possible tourist spots na pupuntahan mo sa duration ng stay mo at alamin if may entrance fee, at mga transpo cost - lahat yun i convert mo sa peso.

Maglaan ng allowance at maglaan ng pampasalubong.
Ugaling pinoy.  Pasalubong. Oh yes, factor that in.  Pati shopping at mga unexpected expenses.  Malay mo makakabasag ka ng plato sa hotel or something.  Di mo naman pinapanalangin but you will never know mga incidental expenses.  Kelangan kasama sa budget consideration mo yan.  Be it a fixed peso amount depende sa kaya mo.

This is it.
Itotal mo lahat ng possible expenses mo in the number of days na istay mo sa bansang pupuntahan mo.  Food, transpo, hotel, pasalubong, shopping, incidental expenses.  Then divide mo ito sa number of days na magsstay ka sa bansa.  Magkano ang amount?  Aabot ba ng Php 5,000?
Minsan hindi umaabot ng Php 5,000.  Minsan naman sobra konti.  
So - safe na ba ang Php 5,000 per day spent sa bansang pupuntahan mo para ma approve ang VISA?
Sorry, maybe not.
Sabihin nating - safe amount ang Php 5,000 per day for the actual expenses mo - but for VISA application, idoble mo siya.  Make it Php 10,000 per day.
Ang laki naman.
Di naman masyado.  Kung ako si consul, di ko rin naman iaapprove ang taong sakto lang ang pera sa banko para sa pang araw araw na gastos.  Kelangan mejo safe na makakabalik siya sa bansang pinangakingan niya.
To be honest, wala naman nakaka alam talaga magkano ang tinitingnan nilang amount sa banko para ma approve ka ng VISA.  Ang importante is - proportional ang laman ng banko mo sa number of days na iistay mo sa bansa nila.
Example.  Laman ng banko ko is Php 50,000.00 pero 3 days lang ako sa Japan kunyari.  So, 50K is more than enough for 3 days.  Pero, if 50K lang laman ng banko ko pero 1 month ako sa Japan - di naman kapanipaniwala na kakasya ang 50K sa 1 month.  Sa Pilipinas pwede pa pero tandaan mo - sa Japan ito (or any other country).  Iisipin ni consul - saan ka kukuha ng pera para mabuhay ka ng 1 month?
Make sense?

Personally, Php 10K per day worked for me sa mga naging VISA application ko.  may konting extra pa.  Malaking halaga, oo, pero uubusin mo ba yan lahat sa tour?  Hindi naman siguro.  Personally, hindi ko inuubos yung 10K per day - dahil madalas, 5K lang or less ang gastos sa isang araw.  Ang matitipid mo - pang maintain ng bank account mo at pang show money ulet sa next destination.

Malaking halaga rin naman ang 10K na issave mo per day ng travel mo.  Pero this brings me back to my first point - kelangan pagipunan ang bawat travel.  If gusto mo mag Korea (dahil yan ang uso ngayon), 1 year bago mo plano puntahan pagipunan mo na.  Hindi ora-orada, hindi nangungutang.  Hindi lahat ng nakakapag ibang bansa para magtravel ay mayaman.  Ang ilan ay masinop lang at matiyaga na nagiipon ng pera.  






Thursday, April 11, 2019

Things to Love in Beijing

On June 14, 2018 i wrote about my next destination after travelling to Japan in November 2017.  Finally I was able to go to that destination last February 2019, after 8 or 9 months of saving for it.  And - nakakatuwa lang, and di ko talaga inexpect na - I like Beijing.
I like Beijing because...

Mga formation ng yelo.  Winter pa nga kasi pag
February.  Masarap din ang -1 degrees na temp
para sa ating sanay sa mainit!
1. ... Winter pa nung pumunta kami so malamig ang panahon at may mga snow snow kang makikita sa paligid. Syempre walang snow sa Pilipinas, at sobrang init pa ng panahon - so kakaibang experience din ang -1 degrees na temperature.  Nakakatuwa lang na di ka makakalabas ng hotel na naka shorts or sando dahil magyeyelo ang mga dugo mo.  Kakaibang experience para sa taga tropical country.

Sidewalk po yan, Maluwag.
Makikita nyo rin sa
bandang left ng picture
ang maliit na kalsadana
service road
na tinutukoy ko.  
2.  ... Malinis ang lugar.  Actually di ko inakala na malinis ang Beijing dahil - wag na magpakaplastic - ang dumi ng Binondo.  Sa Beijing, madaming basurahan, lalo na sa Wangfujing Street - ang parang shopping district nila.  Halos every after poste ng ilaw yata may basurahan.  Unlike dito sa atin na pahirapan maghanap ng basurahan kaya chances are, itatapon na lang kung saan-saan, or, may basurahan nga, overflowing naman sa basura kaya madumi tingnan.  Napahanga ako sa linis ng Beijing.

3.  ... Maganda ang subway system.  Maganda in a way na efficient sya, malinis din.  Siguro swerte lang din kami at hindi puno yung sinakyan namin - pero tingin ko naman di talaga sya napupuno ng sobra considering na hapon na kami sumakay at papunta pa sa Tienanmen Square na isa sa mga major tourist spots sa buong China. Hindi ka rin maliligaw sa mga train stations dahil may English translations naman at may arrows for direction na madali lang din naman sundan.  Mas naligaw pa kami sa mga tren sa Tokyo kesa Beijing.  Di ka rin matatakot na magkamali ng baba dahil sa loob mismo ay may mga electronic LED board na nagpapakita kung saang station ka na, at ano ang next na station.  Magbasa lang talaga at maging aware sa paligid para di maligaw.
Wangfujing Street Food Street

4.  ... May mga service road para sa motor at bisikleta.  Tama po, may mga service road na salubungan na para lang sa mga 2 wheels at mga small delivery vehicles (aka tricycle vans).  Imagine mo ang highway na may 6 lanes, tapos sa left at right may service roads na salubungan pero mga small vehicles lang ang dumadaan.  Eh di ba maayos tingnan at di masyado delikado para sa mga motor?! Ang ganda talaga tingnan at napaka-safe.  Di ka talaga makakakita ng mga motor na nakikipag singitan sa gitna ng highway dahil may sarili silang daanan.  Wish ko lang talaga merong ganun sa Pilipinas para wala na mga biglang sumusulpot sa gilid ng 4 wheels.  Wala na rin masyado  aksidente.

Bet mo?  
Sa totoong buhay, 
gumagalaw pa
ang iba jan.  
5.  ... Meron silang Wangfujing Street Food.  Oh yes, I love this place talaga.  Andami street food - mga nakatuhog na scorpion na gumagalaw pa, mga bugs etc.  Meron din naman adidas, bbq, crepe, mga candied fruits, syempre di mawawala ang milk tea.  Madami talaga,  Ang price ng mga food doon sa street na yun ay nagrrange ng 10 - 30 Yuan (that is Y1 = Php 8).  Mahal?  well - wag ka kasi magconvert ng magconvert ng pera para di mahal isipin. Pero, I'm telling you - masarap ang mga food - at authentic na Chinese food - at authentic na Chinese ang gumawa!  
Di po ako ngtry ng exotic food - di kaya ng sikmura ko.  Tinikman ko lang ang parang lumpiang togue nila, yung crepe (mango flavor - yummy pero maasim yung manga).

Wangfujing Street at night.
6.  ... Maganda mag chill sa Wangfujing Street.  Ang Wangfujing kasi is parang isang kalye na sinara for traffic para maging daanan ng mga tao, and sa mga gilid nito may mga malls, department stores at mga specialty shop.  Why I love this place, is because pwede ka mag chill and mag people-watching - pinasosyal na term para sa maghanap ng taong pwedeng pagusapan (lol).  Sa mga gilid kasi may mga benches na pwede umupo, pwede mag yosi, and as  I mentioned earlier, madami basurahan so itapon dapat ang upos sa tamang lugar.  Dahil malamig noong February doon, masarap tumambay sa gilid habang nag iinternet (may dala kaming sariling wi-fi with VPN), kumain.  Chill lang.  Dahil February nga noon at kakatapos lang ng Chinese New Year at Chinese Spring Festival (1 week after kami pumunta), madami pang mga lights sa Wangfujing street na lalo pang nagpaganda sa shopping street.
May pa tulips.  
Kala mo totoo?! 
Hindeeee!!!!!
  
7.  ... OK na People.  Well, maybe panget ang impression ng mga Pinoy sa mga Chinese nationals, pero I am telling you, para lang din silang tayo.  Mas naging open-minded ako about the Chinese people and mas naging understanding na rin.  Lahat ng mga nakahalubilo namin na Chinese - mostly mga tindera or sales personnel, subway attendants, fast food service crew, hotel personnel, kitchen personnel, tour guide, driver - lahat sila mababait, friendly, and handang tumulong.   As in para lang din talagang pinoy.  
Nagpunta kami ng isang Pharmacy dahil may ubo ang partner ko noong pumunta kami ng Beijing, kahit no English si ate, nag effort na gumamit ng translator app para makapagusap kami at mabili namin ang gamot.  Nagbigay pa siya ng tips kung paano ang tamang pag inom ng gamot, at expected time frame na gagaling ang ubo ng partner ko.  After namin bumili ng gamot, pinabunot pa nila kami sa isang box para manalo ng instant prize - kahit di naman umabot ng minimum amount ang binili namin,  Nakakatuwang gesture.  
Meron ding isntance sa labas ng hotel namin, nagtanong kami sa isang pulis for direction.  Sadly di kami nagkaintindihan, pero noong naglakad na kami at may konting kalayuan na rin nalakad namin - hinabol kami ni kuya para isenyas na going the wrong direction kami and then tinuro niya ang tamang daan!  Sweet!

Napakarami pang open space. 
Pramis.
8.  ... madami silang Parks and open spaces.  Sa Pilipinas, lahat na lang ng area sa city tinatayuan ng kung anu-ano - from malls, to condo, mga basetball courts atbp - tapos nawawala na ang mga green open spaces or parks or even daanan na may mga halaman at mga puno.  Doon madami pang ganun.  Dahil winter nga kami pumunta, wala ka naman makikitang green kasi mga kalbo ang mga puno dahil sa lamig - pero you know that they are green kasi mga buhay ang mga puno eh.  Ang sarap lang maglakad sa kalye kasi madami puno.  may mga mini parks din sa gitna ng city na pwede pahingahan - at doon din nageexercise ang mga matatanda at naglalaro ang mga bata.

The Temple of Heaven.  
9.    ... Napreserve and mga Historical Tourist Spots.  Obviously, rich sa history ang China and nakakatuwa lang din isipin at pagmasdan na napreserve ng maayos ang mga structures na significant sa history nila.  Sa Pilipinas yata parang Fort Santiago at mga ilang government buildings lang sa Manila nag napreserve - well, maron din naman ilan ilan sa mga provinces (Hello Vigan!).  Sa China kasi, particular na sa Beijing, ang Temple of Heaven at Forbidden City na lang, nagpapatunay sa husay nila sa pagpreserve ng mga historical sites.  Mga structures doon mga daan daang taon na ang nakaraan, mas matanda pa sa mga Spanish Colonial structures sa Pilipinas, pero maayos at maganda pa rin - at nadadalaw pa rin ng mga tao.  Nakakainggit lang at may halong panghihinayang din kasi yung sa atin - napapabayaan na eh - at di napahahalagahan ng mga tao.
View sa taas ng Meridian Gate ng Forbidden City. 
Yung structure sa gitna ang museleo ni 
Mao Zedong.

10,  Syempre hinuli ko talaga ang Great Wall of China.  Technically, hindi naman talaga siya sa central Beijing matatagpuan - pero malapit lang - mga 1 to 2 hour drive.  Ito talaga ang pinaka highlight ng buong trip - at sure ako pangarap din ng lahat.  Wala na yata sikat pa na structure sa China bukod dito.
Anyway, alam naman natin na mahaba ang Great Wall of China - at dahil sa haba nito, may mga different sections lang ang pwede puntahan.  Pumunta kami sa Mutianyu - isang village 2 hours away from Beijing (by car).  Doon ang drop off point namin para maka akyat ng Great Wall.  Konti kasi ang tao doon at may malaking chance na masosolo mo ang Great Wall.  Malayo siya, pero worth it.  Tingnan nyo na lang ang photos.
Para maka akyat sa Great Wall, either - maglakad ka, or mag cable car.  May 2 cable cars - ang open at closed gondola.  Sumakay kami sa open gondola - dalawahan lang at open nga siya - as in walang harang - so feel mo ang lamig ng hangin at feel mo rin ang kaba dahil mataas na height ng cable car.  Pagdating sa taas, nasa Great Wall ka na - and the view is magnificent.  Sabi ng guide namin - iba iba ang makikita mo sa taas pag nagbabago ang season. So, since winter kami nagpunta - white and brown ang madalas mong makita.  Wala kasing mga dahon ang mga puno - at may mga snow snow pa sa paligid.  First time to play with snow actually,  Parang ---- dinurog na yelong pang halo halo - pero pinong pino sya. Ganun ang feels ng snow.
Free kang gumala sa mga watchtowers, mag picture picture picture till you drop.  Pero nakakapagod din ang mga steep na hagdan paayat.  Chances are, more pahinga ka - lalo na if di ka fit tulad ko,  Hingal levels.  Kahit malamig, nakuha ko pang mahubad ng jacket dahil pinagpapawisan ako sa loob dahil nakakapagod ang akyat baba.  But it is all worth it.
Love love love talaga ang experience na ito - dahil, aside from pangrap lang siya, napaka sarap sa feeling na mapuntahan mo ang isang lugar na nakikita mo lang sa TV, or nababasa mo lang sa libro at internet, at nakaka alam ka lang ng mga trivia about it.  
Ibang level din ang feeling na ito kesa first time mo naputahan at nakita ang rebulto ni Rizal sa Luneta,  Ibang bansa kasi. Parang - ang hirap abutin.


Para makapunta ng Beijing kelangan ng VISA.  Read about it sa previous blog entry ko para makakuha ng idea kung paano.  May mga Seat Sale sa local airlines kaya pag may mga 6 to 8K ka na - balikan na yun.  Not bad.

Kakaibang experience talaga ang Beijing trip namin.  It was a life-changing trip since I get to have a different view on the China, and the Chinese as a whole.  So - it's time to think na naman kung saan ang susunod na destination.